Prologue
Habang naglalakad si Kristine pauwi ay hindi niya parin maalis sa kanyang isip ang mukha ng binatang kanyang nakasalubong kanina. Siya ay nakakaramdam ng kilig, ng tuwa, maging galak sa kanyang puso. Ngunit habang abala siya sa kanyang pag-iisip ay di niya napansin na may laway na palang tumutulo sa kanyang labi at may nakakita dito kung kaya ay bigla siyang tinablan ng hiya .
"Ahh.. ehh.. H--Hi" pautal ngunit pangiti nitong sabi
"Hello" sabi naman ng lalaking kanyang kaharapan na sa katauhan ng kaniyang iniidolo na si Lu Han.
"K--ku--kumusta?"
"Okay lang, ikaw?" pangiti namang sabi ni Lu Han
Hindi naman natapos ni Kristine ang kanyang sasabihin sapagkat biglang nagring ang telepono ni Lu Han kung kaya ay napatigil muna ng saglit ang kanilang pag uusap
Nang mga ilang minuto ang nakalipas ay muling bumalik si Lu Han sa kinalalagyan ni Kristine
"Pasensya na ah. Urgent kase tsaka maybe next time nalang tayong mag usap ulit. Ingat ka ah!" saad nito at nagsimula nang maglakad palayo mula kay Kristine
Nang makalayo na si Lu Han ay bigla namang nagtatalon sa tuwa si Kristine sapagkat muli nanaman niyang nakita ang kanyang iniidolo. Halos bahagi na nang kanyang buhay si Lu Han kung kaya ay ganoon na lamang niya ito kamahal. Si Lu Han ang kanyang inspirasyon sa lahat ng kanyang ginagawa. At sa tingin niya ay hindi siya mabubuhay kung wala ito.
Habang nasa kanyang silid si Kristine ay hindi parin maalis sa kanyang isip ang mga kaganapang iyon kanina. Panay gulong at ikot niya sa kanyang higaan kung kaya ay medyo magulo na ito. Nang bumalik na siya sa kanyang wisyo ay naisipan niyang tiningnan ang kanyang facebook account upang mag update at tingnan narin ang mga pangyayari na naganap sa nasabing social media account
Patuloy parin siya sa pag iscroll ng kanyang feed at nang napansin niyang medyo boring ang kanyang feed ay naisipan niyang ichat si Lu Han.
Kristine:
"Hi"*1 new message received*
Lu Han:
"Hello""Sorry nga pala sa nangyari kanina ah. Sadyang importante iyon kung kaya eh kailangan muna kitang iwan"
Kristine:
"Naku! Okay lang. Part naman iyon ng trabaho mo eh kaya ayos lang"Lu Han:
"Sure ka ah! Btw pupunta ka ba sa reunion natin? Balita ko ikaw daw yung magiging guest speaker"Kristine:
"Ay oo hehe. Kinakabahan nga ako eh. Tagal ko narin kaseng hindi nakakapagsalita sa maraming tao. Yung last nalang siguro ay yung naging representative ako sa speech ng class natin nung collage"Lu Han:
"Kaya mo yan. Ikaw pa. Marami kayang humahanga sayo at isa na ako dun"Kristine:
"Grabe ka naman. Haha. Pero salamat sa pagpapagaan ng loob ko. Di ko nalang talaga siguro alam ang gagawin ko kung wala ka"Lu Han:
"Malamang eh best friend kita diba? Kaya natural lang na suportahan kita sa lahat ng bagay"biglang napatigil sa kanyang pagtitipa ng kanyang mensahe si Kristine nang mabasa niya iyong naging mensahe sa kanya ni Lu Han. Muli nanamang nanumbalik sa kanyang isip iyong mga sandali na umamin siya dito na higit pa sa kaibigan ang kanyang turing kay Lu Han. Nagbalik lahat ng masasakit at mapapait na kanyang naramdam ng sabihin sa kanya ni Lu Han na best friend lang tingin nito sa kanya.
Lu Han:
"Kristine, nandyan ka pa ba?"muli namang nanumbalik sa kanyang wisyo si Kristine nang muling nagchat sa kanya si Lu Han.
Kristine:
"Ahh oo. Sorry medyo sumasakit kase yung ulo ko eh. Siguro sa susunod nalang ulit tayo mag usap okay"Lu Han:
"Ganun ba. Sige pahinga kana ah"Pagkatapos niyang basahin iyon ay agad niyang isinara ang kanyang laptop at bumalik sa kanyang higaan.
"Hayyss. Hanggang kaibigan nalang ba?" saad nalang nito sa sarili at pagkaraan pa'y nakatulog na ito
BINABASA MO ANG
Hindi Ako, Kundi Siya
Teen FictionSiya ay si Kristine. Siya ay isang babae. Siya ay mabait, mabait, at higit sa lahat MABAIT. Siya ay isang taga hanga ng isang usang nagngangalang Lu Han. Ngunit paano kung isang araw bigla magkatagpo ang kanilang landas? Magiging isang malagim ba na...