Kabanata 5

13 0 0
                                    

Childhood Friend

Matapos ang isang linggong pagmumukmok ni Kristine sa kanyang bahay, kahit papano ay muli ng bumalik sa dati ang kanyang pakiramdam. Nagagawa na niyo ulit gawin ang mga gawain sa kanyang bahay. Pumasok na rin siya ulit sa kanyang trabaho. Medyo naging busy na ulit ang kanyang buhay dahilan upang hindi na niya maisip ang mga nangyari sa kanya nung nakaraan.

Habang naglilinis siya ng kanyang kwarto ay nagulantang siya sa tunog ng kanyang telepono.

Unknown number calling........

Nagulat siya sa kanyang nakita at sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib.

Nag aalangan siyang sagutin ang tawag sapagkat hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya. Halos lahat naman ng mga kaibigan niya ay alam niya ang numero nila kung kaya't hindi naman maaari na isa sa mga kaibigan niya ang tumatawag.

Bigla niya naisip ang pangalan ng taong nanakit sa kanya kung kaya ay napailing siya bigla at binura sa isip niya na imposible namang tawagan siya nito.

Magpakaraan pa ay hindi pa rin tumitigil sa pag ring ang kanyang telepono kung kaya ay sinagot na niya ito kahit na nag aalinlangan siya.

"H-hello?......."

Matagal bago may sumagot sa kabilang linya kung kaya't medyo nakaramdam siya ng kaba at naisip niyang putulin na niya ang tawag ngunit bigla nalang itong nagsalita dahilan upang magulat siya.

"H-hi Kristine"

"S-sino to?"

"Ano ba yan, mukhang nakalimutan na ata ako ng bestfriend ko ah"

"H-huh? Bestfriend? Teka, wala akong matandaang naging bestfriend ko dati ah"

"Ganyan ka na ba talaga Kristine? Porket naging close na kayo ng crush mo nung high school eh nagiging ganyan na turing mo sakin?"

"Uhmm.. Excuse me but if you don't mind to say your name then i will end this call na"

"W-wait! Wag mo muna puputulin. Eto na nga magpapakilala na" she breathed a sigh

"Well.. Uhmm.. Actually ako yung bestfriend mo since kindergarten. Kim Jongin you know? Yung batang palagi mong inaasar kapag umiiyak? I guess hindi mo na masyado maalala ano. Matagal tagal na rin kase since hindi tayo nagkita eh kaya siguro nakalimutan mo na ako"

Ilang sandali bago nakaimik si Kristine. Hindi siya mapakapaniwala sa kanyang narinig. Para bang tumigil sandali ang kanyang mundo maging ang kanyang utak. Pagkaraan pa'y muli siyang nabalik sa kanyang huwisyo at narealize niyang hindi pa pala napuputol ang tawag.

"Hello andyan ka pa ba?"

"ah.. eh.. Oo, andito pa ko. Grabe, seryoso? Kai? P-pano? I mean papano mo nakuha number ko eh hindi pa naman kita nakikita?"

"Connections maybe? Haha. Anyways di na yon mahalaga. Ang mahalaga sakin eh nakausap na kita and i think we can recall each other sometime. So... Kelan ka ba free?"

Napaisip naman siya kung kailan siya pwede. Naalala niya palang may tatapusin pa siyang papeles sa kanilang opisina bukas kung kaya't nag-aalangan siyang makipagkita dahil sa medyo busy siya sa kanyang trabaho.

"Sorry ah but i think baka hindi ako available makipag meet up sayo this week. Medyo hectic kase sched ko eh tas you know naman diba, busy busy haha. Maybe next time nalang sana if ever na magka free time ako tatawagan kita okay?"

Matagal bago may sumagot sa kabilang linya kung kaya't medyo nakaramdam siya ng konting pagkahiya dahil feeling niya nalungkot ito sa kanyang sinabi.

"Andyan ka pa ba?"

"O-oo. Maybe next week haha. Basta tawagan mo ko if ever na available ka ah"

"Okay"

"Then i guess i should end this call na. Mukhang may tatapusin ka pa ata ah. Sorry naging abala pa ko sa ginagawa mo."

"No, its okay. Thanks for calling btw haha"

"Haha no problem. Goodbye for now my 10-year-old-childhood-friend"

"Baliw haha. Sige na babay"

Call ended.....

Matapos ang tawag na iyon ang masiglang naghanda na si Kristine para pumasok sa kanyang trabaho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Ako, Kundi SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon