Kabanata 3

16 2 7
                                    


Matapos ang araw ng reunion na iyon,
muling bumalik sa normal ang buhay ni Kristine. Kung ano ang karaniwang ginagawa niya araw ay iyon narin talaga ang nakasanayan niyang gawin. Bihira nalang siyang lumabas ng bahay dahil mas pinipili nalang niyang manood ng mga paborito niyang kdrama kesa ang magliwaliw sa labas. Nagmumukha narin siyang matanda dahil bihira nalang siyang mag ayos ng kanyang sarili.

Ngunit isang araw bigla nalang nagbago ang naging takbo ng kanyang buhay dahil lang sa isang tawag na kanyang natanggap

"Hello? Sino to?"

"Ikaw po ba si Kristine?"

"Yes ako nga, bakit?"

"Kayo po ba ang guardian ni luhan? Kasalukuyan kase siyang nasa ospital ngayon. Nagkaroon kase ng car accident sa isa sa mga highway at isa siya sa mga nasama sa aksidenteng iyon" bigla naman niyang nabitawan ang kanyang cellphone dala narin ng pagkabigla dahil sa natanggap niyang balita

"S--sang ospital yan. Pupunta na agad ako" agad namang nagmadaling nagbihis si Kristine. Halos di narin siya naligo sapagkat kelangan na niyang makarating agad sa ospital kung nasaan si luhan ngayon






Mga ilang minuto pa ay nakarating na siya sa ospital na kinalalagyan ngayon ni luhan. Dali dali siyang bumaba ng kanyang sinakyan at agad na nagtungo sa counter at tinanong ang isa sa mga nurse doon.

"May pasyente ba kayong luhan ang pangalan dito? Anong room siya?" wala sa katinuang tanong naman ni Kristine

"Meron po. Nasa room 107 po siya ngayon" pagkatapos niyang marinig iyon ay agad na siyang tumakbo papunta sa kung saan naroon si luhan


Mga ilang segundo pa ay nakarating na siya sa kwarto na kung saan naroon si luhan. Halos hinahabol na niya ang kanyang hininga dala narin ng pagod kakatakbo niya.

Agad naman niyang binuksan ang pintuan at bumungad sa kanya ang nakangiti at tila ba'y masayang nakikipag usap na si luhan.

Napatigil naman bigla ang kanyang mundo simula nang makita niya ang nagaganap sa kanyang harapan ngayon.

Si luhan ay kasalukuyang nakikipag usap sa isang babae na di niya alam kung kaano ano ni luhan ngayon at mukhang bago lang ito sa kanyang paningin kung kaya ay medyo naguguluhan ang kanyang utak ngayon.

Muli namang nabalik sa normal ang kanyang pakiramdam nang tawagin ni luhan ang kanyang pangalan.

"Oh Kristine! Andito ka pala. Bat hindi ka manlang nagtext na pupunta ka dito" medyo natameme naman si Kristine sa pagsagot sa tanong sa kanya ni luhan dala narin ng kaba at pagkabigla sa nakikita niya ngayon.

"Btw siya pala si Gemma, girlfriend ko" bigla namang napawi ang pilit na ngiti sa labi ni Kristine ngayon nang marinig niya ang huling salitang binitawan sa kanya ni luhan

Ilang minuto ring nagkaroon ng katahimikan sa kanilang paligid kung kaya'y naisipan nalang ni Kristine na magpaalam at umalis na lamang sa kwartong kinaroroonan ngayon ni luhan kasama ang babaeng di niya akalaing girlfriend pala nito.

Pagkalabas naman ng kwartong iyon ay agad naman siyang tumakbo papunta sa palikuran. Parang hindi na niya alam ang kanyang gagawin simula nang marinig niya ang mga salitang iyon. Parang mas gugustuhin nalang niyang mamatay kesa ang malamang may mahal ng iba ang kanyang minamahal. Puno ng pagsisisi, pangamba, lungkot at takot ang nararamdaman niya ngayon dahil lamang sa mga salitang iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng mga hinanakit sa kanyang puso na ngayo'y nagdurugo at nawawasak ng paunti unti.

Hindi Ako, Kundi SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon