ALLISON
Napagod ako sa naging unang lesson ko kagabi. Napakahirap itago ng mga pakpak ko. Hanggang ngayon 'di ko pa alam paano ba ulit 'yun.
Nag-umaga na pagod ako habang si Wenxehalt parang walang nangyari.
Hindi ko maintindihan bakit ang sakit kapag lumalabas ito lalo na kapag tinatago. Ramdam ko ang bawat paggalaw ng balat ko.
Ang problema ngayong umaga na ay marami nang mga tao sa daan. Lahat sila nakatingin sa amin.
I expected it, given that Wenxehalt and I were only wearing robes and are barefoot. The only saving grace about those robes is that they're black, concealing our nakedness.
Nakakahiya kaya yukong-yuko ako habang naglalakad.
"Siya ba 'yung missing na newscaster sa TV? Kamukha niya si Allisonia!" Rinig ko sa may gilid. Hindi ako lumingon, tumungo lang ako para itago ang mukha ko sa mahahaba kong buhok.
Maya-maya umupo kami sa isang sulok para magpahinga.
Inakala ata ng mga tao na baliw o pulubi kami, naglagay sila ng pera sa harap namin. Wala naman kaming reklamo, tahimik lang kami pareho, iniisip kung saan kami pupunta.
Mabuti nalang at may nag-abot din sa main ng damit na mabilis kong tinanggap.
We badly need them, especially since we have no undergarments.
Mabilis kong hinila si Wenxehalt papason ng public comfort room.
"Dito ka lang ha? Babalik ako, magbibihis lang ako sandali," bilin ko kay Wenxehalt sa labas ng female's comfort room. Tumango lang siya bilang sagot habang tinitignan ang kabuuan ng cr.
"Kuya papicture!" Boses ni linta number 1.
Aba! Kakapasok ko lang may lumapit na sa kanya.
Hindi din naman nakapagtataka. Sa itsura niyang 'yun maraming mag-iisip na artista siya.
Binilisan ko na ang pagbibihis dahil sa hindi ko alam ano ang magiging reaction ni Wenxehalt. Baka may magawa 'yung kababalaghan na dahilan para matakot ang mga linta.
"Ang gwapo mo kuya!" tili ni linta number 2.
"At ang hot." Malanding naman ang tono ng pangatlong boses. Umikot tuloy ang mata ko.
Ang hirap talaga pag may itsura, no?
Biniro pa ako ng tadhana kasi ang hirap buksan ng lock sa cubicle na napasukan ko. Pinagpapawisan ako nang makalabas.
Mabilis kong nilingon si Wenxehalt, puno ng pagtataka ang mukha niya habang hinahayaan ang mga linta na dumikit sa kanya para mag-picture. Dinidiin pa talaga nila ang mga flat nilang hinaharap.
Naningkit ang mga mata ko sabay lapit at halukipkip.
"Sho," walang ganang turan ko.
Tinaasan ako ng kilay ng isa sa mga babae.
"Sino ka ba?" malditang sagot nito. Bumalik din naman agad sila sa pinaggagawa nila.
Nangdidilim ang paningin ko sa mga kamay nilang humihimas-himas sa tiyan ni Wenxehalt.
Parang gusto ko nang kumatay ng tao.
I don't care if I look demonic at this point in time. There's blood in me that kills.
"Aalis kayo o isusubsob ko sa bowl ang mga mukha niyo?" nagtitimping tanong ko. May halong gigil din 'yan.
"At bakit kami aalis? Sino ka par-"
BINABASA MO ANG
ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (FINISHED)
Viễn tưởngFantasy, Romance, Action Welcome to the world of angels and demons. TakahashiKazumi© 2016 Date Started: November 15, 2016 Date Finished: December 15, 2016