𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟕: 𝐓𝐰𝐨 𝐭𝐨 𝐎𝐧𝐞

3.6K 142 4
                                    

THIRD

Abala ang dalawang panig ng anghel na maghanap kay Allisonia. Hindi nila ito mahanap-hanap. Para bang may kung anong barrier na naghihiwalay sa kanila dito.

Kung ano na ang ginawang ritual ni Dark, walang nangyayari. Para bang hindi na ito tumatalab.

"Lord," sabat ng isang chanter, hindi naman natapos ang sasabihin niya nang tamaan siya ng itim na apoy ng Lord nila.

"Kung wala kang sasabihin na maganda, wag mo nang sabihin," nangangalaiting tugon nito.

"Isa lang ang dahilan bakit hindi natin sila mahanap," pilit na salita ng chanter kahit namimilipit pa sa sakit na natamo.

Bumuo ng ibang apoy sa kamay ang Lord habang hinihintay ang kasunod na sasabihin ng alagad niya. "Speak."

"Nasa mundo sila ng mga tao," the chanter continued.

Kumalma ang Lord sabay taas ng mga kamay. "Itigil ang ritual!" utos nito. 

His harsh, heavy expression softened slightly as a devilish smile curved his lips. Nagbago agad ang mood nito.

Bakit nga ba hindi nila ito agad naisip?

"Simulan agad ang pagbuo ng portal," dagdag nito.

Without Wenxehalt, they'll need more time to create one, but he's somewhat calm, knowing exactly where to find them.

Even if it takes them a week to complete, he doesn't care anymore.



Nasa temple naman ang mga puting anghel. Isang temple na nakatayo sa kabilang floating island. Ito ang pinakasagradong lugar nila.

Naroon sila nakaluhod lang sa harap ng malaking trono, hinihintay ano ang magiging mensahe ng pinakamataas sa kanila.

Natumba na lang si Jushua sa tabi nila pero walang nanibago. Alam nila ano ang nangyayari.

Sa pamamagitan ng isang panaginip ay nakita ni Jushua kung nasaan na sina Allison at Wenxehalt. May kasama itong babae at kumakain silang tatlo.

Nakasuot ang mga ito ng kakaibang damit, mga damit ng tao.

Pero sa lahat nang 'yun, kay Wenxehalt siya napatitig.

The demonic angel was acting strangely different. He looked as human as Allison and laughed with them. To him, it was like seeing a new version of Wenxehalt.

Napakunot ang noo niya hanggang sa dumilim na ang paligid.

He woke up from the abrupt dream.

"Nasa mundo sila ng mga tao," agad na sambit nito. Halatang naguguluhan sa nakita ay nakatulala ito't nakatingin sa malayo.

"Are you okay?" tanong ni Stanfer sa kanya sabay lahat ng kamay. 

Nang makatayo ay napatango siya pero 'di parin niya mapigilang isipin ang mga nakita niya.

"Pwede bang bumait ang mga demonyo?" natanong nito bigla na kinatahimik ni Stanfer. Hindi din nito alam.

"Ano bang ibang nakita mo, Jushua? Bakit mo naitanong?" tanong ni Master Heteu nang marinig ang tanong nito.

Nagkatitigan silang dalawa.



"Bakit kaya parang kinakabahan ako ngayon?" tanong ni Allison sa kawalan habang naghuhugas ng platong pinagkainan nila.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon