𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟒: 𝐋𝐨𝐫𝐝 𝐃𝐞𝐦𝐨𝐧

2.2K 61 0
                                    

DARK

FLASHBACK...

"You shall live and rule in fussion with me." Huling chanting ng Lord at ang narinig lamang ko.

Binuka ko ang mga mata at bumangon mula sa higaang nasa altar ng underworld. Isang nilalang na manhid at walang ibang kayang gawin kung 'di ay sumunod sa lahat ng kagustuhan ng Lord. 

Lumapit si Helen upang bigyan ako ng masusuot.

Inilabas ko agad ang mga pakpak at yumuko sa Lord. Wala itong wangis kung 'di kumpol ng maiitim na usok.

Hindi ko alam bakit gano'n agad ang ginawa ko gayong isa palang akong blankong papel. Para bang nakaukit na sa akin ano ang dapat kong gawin.

"Ama," tawag ko dito.

Tumawa ito sa tuwa. 

"Ikaw ang instrumento para sa plano ko ngayong alam ko ang buong propesiya. Magiging akin ang mundo ng mga puting anghel at ang mundo ng mga tao."

Napakurap ako.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Dark Glaceirvan?" tanong ulit nito. Bumalik na pala ako sa kasalukuyan.

Gano'n parin ang boses nito, parang tatlong taong pinaghalo.

Mahigpit nitong hinigpitan ang mga kadenang nakapulupot sa akin. Ang kadenang nasa leeg ko ang mas diniinan niya.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay pinarinig ko lang sa kanya ang malakas na tunog ng dibdib ko. Alam kong ayaw niya dito kaya ko ito ginagawa.

Nagtakip ito ng tenga kasabay ang matatalim na tingin niya sa akin.

Ano man ang gawin niya, malakas parin ito kaya napapaatras siya.

Habang lumalayo siya ay lumuluwag din ang kadenang nakagapos sa akin. 

Napaubo ako.

Dahil sa halos mabingi na siya, nagsalita na ako. "Binuhay mo akong may puso."

"Pero hindi para gamitin mo ito! Binuhay kita sa galit at suklam," galit na bulalas nito. 

Gusto man nitong manunggab ay hindi nito magawa.

"Huli na ang lahat. Nabuhay na ulit ito. Hindi mo naisip na ito pala ang tatalo sa'yo," pabulong na sambit ko sabay galaw ng mga kamay ko. Masyado nang maluwag ang mga kadena.

"Ako ang may likha sa'yo! Ikaw at ako ay dapat iisa. Sa akin ka dapat nakikinig!" Nagpupumilit pa ito.

Bakit ko pa ba tinatawag itong ama gayong ayaw ko nang maging konektado sa kanya.

"Pagkakamali mo. Hindi mo na sana nilagyan ng puso. Pinipili ko ang magmahal. Pinipili ko ang magkaroon ng emosyon. Ito ang magiging lakas ko laban sa'yo." Nahulog na sa lupa nag lahat ng kadenang nakakabit sa akin.

Sa wakas ay malaya na ang pakiramdam ko.

Wala nang pumipigil sa aking gumalaw.

"Dark!" Pilit pa sana akong hilain pabalik ng Lord pero nakatapak na ako sa liwanag.

Huli na siya.

Naibuka ko ang mga mata ko pabalik sa nakakasilaw na lugar- ang mundo ng mga tao.

Ang mga emosyon na natutunan ko noong makilala ko si Rosevina ay pwedeng maging kahinaan pero pwede din itong gamiting panlaban at lakas.

Ito lang ang hindi kayang labanan ng Lord, sapagkat 'di niya ito naiintindihan.

Ito ang bagay na hanggang kailan ay hindi siya magkakaroon.

"Dark!" umalingawngaw ang malaking boses nito na yumanig sa lupa. Lahat nang naiwan niyang alagad sa lupa ay nauuna na sa kanya.

Kahit anong pilit niyang bumalik paitaas, hinihigop talaga siya ng lupa. Binabalik na siya sa kung saan siya nababagay- sa impyerno.

"Hindi pa ito dito nagtatapos! Ang mga taong sinagip niyo ay pipiliin ang kasamaan. Ako parin ang magwawagi!"

Natahimik bigla nang magsara ang lupa.

Umaliwalas ang paligid.

Doon ko lang naramdaman ang malambot na brasong nakayakap sa akin. Nasa lupa kami nakaupo. Sa kabilang braso niya ay ang katawan ni Allison na wala nang buhay.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nasasaktan ako. 

Dumapo sa magandang mukha ni Rosevina ang paningin ko.

Maganda parin siya. Walang nagbago.

Para bang hindi dumaan ang mga taon. Gano'n parin siya no'ng una ko siyang nakilala.

"Rosevina," bulong ko sabay hawak ng pisngi niya.

Ngumiti siya. Bumilis na naman ang kaba sa loob ko. Gano'n parin ang epekto niya sa akin.

Binalik ko ang atenson sa anak naming si Allison.

"Patawarin mo ako, anak. Hindi ko ginusto ang nangyari sa'yo," bulong ko dito. Kinuha ko na siya mula sa kanyang ina. Ako na muna ang yayakap sa kanya.

Bago bumalik sa kaharian ng mga anghel, nilinis na muna namin ang kalat sa mundo ng mga tao. Binalik ito sa dati nitong anyo na para bang walang nangyari. Kinuha din ang memorya ng mga taong nakakita sa kaguluhan.

Wala silang maaalala at tutuloy lang sa kanya-kanya nilang mga buhay.

Lahat sila.

Kahit ang mga taong malapit kay Allison. Ngayong wala pa siyang buhay ay hindi babalik sa ala-ala nila na may Allison na minsan ding naging bahagi ng buhay nila at minahal nila. 

Ang mundo ay magkakaroon ng bagong simula.


Nilagay si Allison sa isang kabaong na gawa sa salamin. Nagahiga siya sa mga puting bulaklak na mula pa sa harden ng kaharian. Napapalibutan din ng mga puting bulaklak ang paligid ng kabaong. 

Parang harden na din kung tignan. May kaunting liwanag din na tumatama sa katawan niya dahilan upang magmukha siyang nagliliwanag.

Nasa isa sa mga floating islands kami, nakamasid sa payapang pagtulog ni Allison.

Naniniwala kaming mabubuhay siya, kaya tulog lang siya.

May kirot parin pero naniniwala akong hindi kami bibiguin ng mga Hollow.

May makapal na barrier ang floating island na ito at napapalibutan din ng makakapal na ulap.

Ang mga puting anghel ay nagsasagawa ng spell upang ibalik ang mga kaya pang ibalik na mga kasamahan. Ang mga hindi pa nakatawid upang bumalik sa lupa para maging tao.

Ako lang ang kulay itim sa kaharian. Napapaso ako sa liwanag nila pero tinitiis ko.

"Dark, sigurado ka bang magsasagawa talaga tayo ng spell para gawin kang kagaya namin?" nag-aalalang tanong ni Rosevina sa akin.

"'Yun lang ang alam kong paraan upang mabuhay sa kaharian mo, Rosevina," sagot ko dito.

Iniwan na muna namin ang himlayan ni Allison. Nagpunta kami sa kaharian- sa malawak nitong espasyo upang doon isagawa ang spell. 

Gaya ng nakasanayan ay tatayo ako sa gitna habang sila ay magdadarasal para sa spell.

Conversion Spell.

Hindi ako sigurado kung tatalab ba talaga ito pero susubukan ko.

Napangiti ako nang maramdaman ang pagsunog ng liwanag sa madilim kong kulay.

Masakit pero tinitiis ko.

Pilit kong inaninag ang mga pakpak ko, napapalitan na ito ng kulay puti. Ang iba ay nahuhulog na sa sahig. Imbes na humiyaw sa sakit ay puro tuwa lang ang naramdaman ko.

Tumalab ang sinasagawa nila.

Siguro ay dahil tunay ang intensyon ko.

Pumikit na ako at binuka ang dalawang mga braso na para bang niyayakap ang magiging bago kong buhay.

End of Chapter 24

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon