ADA: Third Part

27 4 0
                                    

A Death Away ' s THIRD PART

===========================

"Cloe!"
"Cold?" lumingon ako para kumpirmahin ang boses na tumatawag sakin dahil naging pamilyar na ito sa pandinig ko at tama nga ang hinala ko, si Cold nga.

Nginitian nya ako habang mabagal na humakbang papunta sakin, kinabahan naman ako habang nakapako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

Bakit biglang nagkaroon ng mga bulaklak sa paligid?
At bat mas gumagwapo si Cold habang papalapit sya sakin? O may sira na talaga ang mata ko?

Nagtaka ako ng bigla syang lumuhod.
"C-cold?" nauutal na ako.

"Cloe..." tawag nya sa pangalan ko at kinuha ang kamay ko.

"Will you be my girlfriend?"

WAAH!

Napabalikwas ako ng bangon.
Whaaa! Bakit siya ang napaginipan ko?

Huhu Cloe.. May gusto ka na ba sa kanya? Inlove ka na ba sa kanya? Agad?
At bat ganto ang pagtikobok nitong puso ko?!

Napahawak ako sa dibdib ko habang namumulupot sa paghiga sa kama.

Bakit? Ganito ba ang feeling nang nagmama--

Hindi ko na naituloy ang sasabihin na sana ng isip ko at napabalikwas ng biglang bumukas ang pinto, iniluwa nun si Kim.

"Ano yung naramdaman ko Ate Clo? May mahal ka na?" agad na tanong ni Kim at mabilis na nilapitan ako sa kama ko.

"Huh? Ahh wala yung aso ng kapitbahay natin mahal ko, hehe, ang cute kasi."
"Hmm.. Akala ko ba ayaw mo ng bulldog? Palusot ka pa Clo eh! Sige na! Kwento mo na sakin! Ngayon lang kaya magkaka-lablayp ang ate kambal ko~" pamimilipit ni Kim at niyuyugyog ako.

Hayst. Bat kasi ang lalakas ng kibo ng kakambal ko eh. Ayan tuloy hindi ako makatago ng sekreto sa sarili ko. Hayst.

"Sige na nga lang, tutal mapilit ka." bumangon nalang ako at umupo ng nakapaharap kay Kim na halata naman masyadong excited.

Tumikhim ako at nagsimula ng magkwento, habang kinukwento ko sa kanya yung mga nangyari ay sigaw naman sya ng sigaw.
Itinakip ko yung kamay ko sa bibig nya at baka marinig nila Mama.

So sya pa talaga yung kinikilig?

Sinisiko ako ng bruha. "Ayyyeeee~ Ate kambal, bukas sabay ako sayo pakilala mo aku sa boyfriend mo ha? Ha?"

A Death AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon