ADA: First Part

74 5 10
                                    


A Death Away ' s FIRST PART

================================


Sa panahon ngayon meron nabang taong talagang magmamahal sayo ng hindi ka iniiwan? Oh ikaw ang iiwan dahil napamahal ka na sa kanya?

"Kim ano bah bilisan mo naman! Male-late na ako!" bulyaw kosa kakambal ko na inilihi ata ni Mama sa pagong.

"Tas malapit na ate! Masyado kang rush eh" sagot ni Kim na nagsisigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay.

"Kasi ho, male-late na ako! Tatlong segundo, iiwan na kita!" banta ko pa at namewang pa talaga ako habang naka-abang sa kanya sa may paanan ng hagdan at tapos ng makapagbihis.

"Teka lang! Eto na nga bababa na nga!" mamaya maya lang ay bumaba na ang kapatid ko na halatang nagmamadali kasi hindi na natapos ang pagsuklay nya sa buhok nya at nahihirapan sa pagdala ng gamit nya pababa.

"Tara na!" aya ko at tinalikuran na sya para tumungo sa salas kasi andun sila Mama at Papa. "Yan lang pala suot mo tapos ang tagal tagal mo." itinuloy ko na yung panenermon ko. Minsan lang to haha.

Nagpaalam na kami kina Mama at Papa para umalis na papuntang school, habang naglalakad kami ni Kim sa daan biglang syang huminto sa paglalakad kaya binalingan ko sya at tumigil na rin sa paghakbang saka sya tinanong, "Oh bakit ka tumigil?" nakataas pa talaga ang kilay ko nyan.

"Ah! ikaw kasi Cloe eh! Ayan tuloy nakalimutan ko yung assignment ko sa bahay! Mauna ka nalang susunod nako! Bye!"
"Te--ka.." hindi pa nga ako nakatapos sa sasabihin ko, kumaripas na siya ng takbo. Hayst.

Habang naglalakad ako ay nagpagiwang giwang yong lakad ko, oh no! Wag sana mangyari tong iniisip ko!

Yumukod ako para tignan ko yong sapatos ko at hays! Totoo nga ang hinala ko! Nasira yong takong ng sapatos ko! Nagutom bigla.

Lumingon-lingon ako sa paligid kung saan pwede ako maupo para ayusin yung sapatos ko. At daebak! Sa unahan may nakita akung upuan at katabi ay poste na patay sindi ang ilaw kahit maga-alas sais na ng umaga, (Maaga kasi kaming nagko-commute papuntang school. Haha.) kaya paika-ika akong lumakad papunta doon at umupo na ng nakaabot na ako.

"Whoo.. " napabuga ako ng hangin.

Ano ba yan, sa dinadami ng araw na masiraan ako nang sapatos bat nganyon pa. Anong gagawin ko ngayon! Sana nahalata ko ng sira ang sapatos ko ng kasama ko pa si Kim para makapagpadala ako ng extra.

Kinuha ko ang phone ko sa bag para i-text si Kim ng.. low batt ang phone ko at 10 seconds to shutdown? Kaka-charge ko lang nito kaninang umaga eh.

Napakamot nalang ako sa batok ko at ibinalik nalang ulit sa bag ko yung phone ko, hihintayin ko nalang si Kim dito.

Ilang segundo ang dumaam ng biglang umihip ng malakas ang hangin at pumaibabaw ang nakakabinging katahimikan sa buong paligid.

Bigla akong kinabahan, naramdaman ko namang bigla ring nagsitayuan yung mga balahibo ko.

"Ano bayan pag---" kakausapin ko sana yung sarili ko ng biglang may nagsalita mula sa tabi ko.

"Anong nangyari dyan?" tanong nung boses, na may-ari ng isang lalaki.

Bat biglang nagkatao? Kanina nung nilibot ko yung paningin ko, ako lang isa eh.

Napalunok ako ng laway.
Huhu. Wag na wag kang lumingon Cloe, baka multo tong kumakausap sayo. Huhuhu, ang aga naman nitong mang-multo, August palang eh.

Tinabon ko sa mukha ko yung dalawang sapatos na hinubad ko kanina.

"H'wag kang mag alala hindi ako multo, haha." ng nagsalita ulit sya at may tawa pa sa huli, parang kumalma ang loob ko.

Dahan dahan kung binaba yong kamay ko at dinilat ang mga mata ko pero napaatras ako ng bigla ba naman nyang kinuha yung isa kong sapatos na tanging ang may takong nalang.

Tinanggal nya ang takong saka inabot sakin sabay sabi, "Oh hayan magkaparehas na." saka ngumiti.

Nakatingin lang ako sa kanya at in-analyze ang mukha niya.

Parang ngayon ko lang siya nakita sa lugar  na ito ah?

"U-uy." distract nya sakin.
"Huh ? Ehh.. Hehe, salamat.." sa pagsira ng sapatos ko.

Hindi parin nawala yung ngiti nya at naglahad ng kamay para ata makapag-kamay, "Cold nga pala."

Tinitigan ko lang kamay nya papunta sa mukha nya, tumawa lang ako at dinedeadma yung kamay nya saka niyakap ang sarili ko.

"Haha! Oo nga ano, ang lamig nga! Nahalata mo rin? Bigla lang may dumaan na malakas na hangin!" tatawa-tawa lang ako. Ang awkward. Bat ang gandang-lalaki nitong kaharap ko?

"Hahaha! Hindi yan ang ibig kong sabihin, ang ibig kong sabihin ay ang pangalan ko ay Cold." humalakhak sya saglit at nauwi na naman sa pagngiti, pero yung kamay nya hindi parin nya binababa.

"Huh? Cold ang pangalan mo?" ulit ko. Tumango naman sya.

Napatakip ako sa baba ko at, okay hindi ko napigilang tumawa. "Hahahaha! Sono ba namang tao ang nagpapangalan nang ganyan? Cold? Water dispenser ka ba?" hahaha tawa lang ako nang tawa ng napansin ko yung biglang sumeryoso ang mukha nya, wow ang creepy.

Tumikhim ako para narin sumeryoso. Ano ba kasing napasok sa utak ko para pagtawanan ang isang pangalan?

Muka sa seryosong mukha ay may ngiti na  sa labi nya habang nakatingin sakin.

"Ako si Cold. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Nagkamit ako ng ulo at nahihiyang itinanggap nalang yung nakaabang parin nyang kamay. Ang sama ko talaga, Cloe.

"Ahh haha, Cloe nga pala." sabay shake hands kami.

Wow. Sa Korea ba sya nanggaling? Ang lamig nya eh.

Ngumiti siya sakin ng narinig ko ang biglang pag ring ng phone ko, napakunot naman ang noo ko at kinuha ito sa bag ko.

Bat nariring? Sa pagkaka-alala ko turned off dahil shutdown eh.

Nakalimutan ko! May klase  papala ako! Ay dyahe na! Late na ako!

Mabikis akong tumayo at nagpaalam na jay Cold.

"Ahh, alis na ako ha? May klase pa kasi ako. Salamat ulit, nice to meet you!" kumaway-kaway pa ako.

Ngumiti lang siya kaya nagsimula na akong maglakad palayo, habang papalayo na ako sa lugar na yun ay naisipan kong lingonin siya-- si Cold, baka hindi pa siya nakaalis.

Nangng lumingon ako ay.. wala na siya.
Wow. Ang dali nya lang ha.

"Tsk. Baka nakalayo na yun." kausap ko sa sarili ko, naglakad ako ng nakayuko at tinitigan ang sapatos ko ng bigla nalang akong nabunggo sa kung ano.

"Aww.." daing ko at nag-angat ng ulo ng-- Kim?

"Ate Cloe? Asan ka galing? Teka, bat ang putla mo?" dinaluhan nya agad ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Huh? Ano raw?



××××END OF FIRST PART××××

Special thanks to iBonney who proofread, re-edit, re-type, grammar and punctuation correction to this story. Thank you!
Pasensya na kayo sa story! Amateur lang. TT_TT

{ itsmechelax }

A Death AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon