Kib's P.O.V.
*3 YEARS AGO*
I'm Kib Montalbo a fourth year high school student in De La Salle Greenhills, no girlfriend since birth.
There's this girl I like, one year na. Aminado ako, oo na, pagong na. Hirap rin naman kasi kumilos, langit siya lupa lang ako hehe joke lang.
So, I met this girl while stalking sa twitter we have this common friend daw kasi, and promise walang halong biro napa-nga-nga na lang ako. Sobrang simple lang pero sobrang ganda. Pero ayun, hanggang tingin na lang naman ako palagi. 'Di naman ako umaasa, hopeful lang ako HAHAHAHA.
I found out from Thomas, our common friend, na taga De La Salle Zobel siya fourth year din and na may kakambal siya. Odiba school pa lang meant to be na HAHHAHA joke asa.
I wanted to meet her, kasi ano... I need a new friend HAHAHAH. So ayun nga gusto ko siya makilala. We have this big event in our school na all students from grade 1 to fourth year and all performing clubs gets to perform something, kapagod so dahil dun we have rest days, luckily fair daw sa school nila. Sobrang meant to be lang ba? hindi. asa. HAHAAHHA
"Bro, ano tuloy tayo bukas?" Tanong sakin ni Thomas.
"G tayo diyan bro!" Sagot ko naman.
"Sige sige. Wag mo naman ako gawing third wheel bukas." Pag-iinarte niya
"Hindi pa bukas, sa future na HAHAHHAAH. Wag mo ako artehan para namang ewan to eh" Huli kong sinabi bago umalis nasa school kasi kami ngayon and tinatawag na ako magppractice daw kami.
-The next day-
"Di mo naman sinabing mahirap magcommute papunta sa school na yun sana kanina pa tayo nag uber or grab" Pagrereklamo ko pano ba naman kasi kanina pa kami hirap na hirap mag hanap ng sasakyan tas ayun nga uber lang din bagsak namin.
"Bro, wag ka magalit napaghahalataang excited ka eh. HAHAHAHAH" Nakuha pang mang-asar netong bansot na to.
"Heh. Excuse me di ako excited, I'm just thrilled." Sabi ko naman
"Pareho lang yun baliw HAHAHHAHAAH" Tawang-tawa naman siya sakin. Sabihin niyo nga masama ba magka-crush?
When we reached DLSZ wala pa masyadong tao, bukod sa school day kasi today umuulan pa. Umiikot lang kami ni Thomas dito nagaayos pa kasi yung booths so wala pa rin gagawin.
"Thomas! Kib!" someone called us kaya sabay kami lumingon, kami ata yung meant to be joke ulit. Pagka-lingon namin we found Jeron, Andrei, Aljun, Michelle, and Jeanine.
"Uy! Andito pala kayo sana sinabi niyo para sabay tayo, yung kasama ko pinahirapan ako eh. No offense Thomas." Sabi ko. Totoo naman na pinahirapan ako kung saan saan ako dinala.
"HAHAHAHA pinahirapan ka ba paps? Sabay sabay na lang tayo pauwi." Sabi agad ni Jeron. "
"Yes! Libre pamasahe ko ngayon ah" Tuwang sabi ko. Siyempre pag may nag offer bakit ka pa mahihiya diba. Sayang din yun.
Magkakasama na kami nag ikot. Nalaman ko na both taga DLSZ pala yung girls na kasama nila, and na buti na lang nakita nila kami kasi kanina pa daw parang hangin si Andrei kasi di daw siya pinapansin nung mag jowa at nung mag bestfriend. Secret na kung sino yung bestfriends lang.
Naka set-up na halos lahat nung booths. Ng magulat kami kasi biglang hinuli si Thomas.
"Uy! Bakit ako?" Thomas asked.
"Bro, ikaw lang yung height na abot daw kasi nila." Sabi ni Andrei. HAHHAHAH tawang tawa ako kasi sobrang saya asarin ni Thomas kasi pikon
"Sige po. Meron po bang volunteer?" Sabi ni girl na ng huhuli.