Kwento ng dalawang taong hindi titigil magmahal, at hindi pa kayang magmahal
Ria's P.O.V.
"Isusuko na ang sandata, aatras na sa laban. Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita "- Malaya, Moira Dela Torre"Basta walang maffall ha?"
"Sino bang nagsabing maffall ako?"
"Hindi natin alam baka mafall ka sakin..."
"Ang kapal ate Jes."
"Naninigurado lang Ria."
Parang kahapon lang, nagbibiruan lang tayo. Parang kahapon lang, andito ka lang sa tabi ko. Parang kahapon lang ang isang taon. Paano magiging seryoso ang isang bagay na nagsimula sa lokohan at sa biruan? Paano ka ba hindi mahuhulog, kung una pa lang, kung sa isang tingin mo pa lang sumuko na ang puso ko sayo.
"Dali na ipost mo na yan!!"
"Teka lang kasi ang pangit ko diyan."
"Ehhh yan na kasi."
"Sige na nga ano ilalagay ko?"
"#RISSEY HAHAHAHHAHAAH tas tag mo ako."
"Okay eto na ippost ko na"
Kung tatanungin ako kung bakit ako pumayag sa deal na 'yon isa lang ang sasabihin ko, umasa kasi ako. Umasa ako na baka kung gawin ko to, hindi lang ako maging kaibigan. Umasa ako na ang ako at ikaw ay pwedeng maging tayo. Kasi sino ba naman ang nagmahal ng hindi umaasa at sino ang nahuhulog na hindi humiling na sana ay masalo?
"Mahal mo na?"
"ewan siguro? magulo eh."
"Bakit hind mo sabihin?"
"Hindi pwede. Walang maffall, usapan namin yun."
"Bakit ka pumayag kung alam mo namang masasaktan ka?"
"Kasi nga mahal ko... ata."
"Ata? Tanga ka ba siguraduhin mo kaya? Pinapahirapan mo lang sarili mo sa kaka ata dyan."
"Eh ano ba gusto mong gawin ko? Bakit ko pa sisiguraduhin kung alam ko namang walang gusto yon sakin tsaka kapag may sinabi siya, tinototoo niya kilala mo naman yon eh."
"Bahala ka magpakatanga diyan."
Alam kong masasaktan ako. Alam kong mali. Alam kong dapat 'di ako pumayag. Pero, paano ka ba hihindi sa taong mahal mo? Paano ka ba hindi magiging tanga pagdating sa pagibig? Paano mo ba susundin ang utak mo, kung ayaw ng puso mo?
"Ate jes, CRUSH KITA....."
"Ano ka grade school? Puppy love ba? IBA IBA"
"uhmm... ate jes... you + me = destiny."
"RIAAAA ano baaa"
"Ate jes... instagram ka ba? pwede ka bang idouble tap?"
"BAHALA KA NGA DIYAN."
"HAHAHAHA oy teka eto na talaga wait lang kasi!!"
"Ano na? Siguraduhin mong maayos yan ah. Go!"
"Stick, dags, ate Jes, gusto kita, mahal kita, dati pa."
"Ria..."
Mali bang magkagusto sa taong hindi ka naman magugustuhan? Mali bang umasa? Mali bang magmahal? Hindi naman diba?