Part 2

2 0 0
                                    


Isang maulang araw ng Hunyo, nagising ako nang eksaktong alas sais y medya. 6-3-0, ang sabi ng orasan sa akin, pagkabukas na pagkabukas ng mga mata ko. Tila may ipinahihiwatig ang mga numerong iyon. Kakaiba. Madalas alas diyes o mas tanghali na ako kung magising lalo na kung gabi na ako natutulog. Masyado akong maagang nagising ngayon lalo na't ala una na ako natulog kagabi at kahit masarap matulog dahil sa lamig na dala ng maulang panahon.

Panibagong araw na naman, pero paniguradong walang pinagkaiba sa iba. Magdadrama na naman ang asawa ko: Sisimangot, madadabog, titingnan ako nang masama, pero hindi naman sasagot 'pag tinatanong ko ano na naman ang problema niya. Palagi na lang ganoon. Nakakasawa.

Wala na ang asawa ko sa tabi ko pagkagising ko. Hindi tulad ko, maaga siyang natutulog kaya maaga rin siyang nagigising. Minsan, may inihahanda siya para makain namin sa almusal (o tanghalian kapag tanghali na ako nagigising). Pero madalas na hindi na siya nagluluto ng kahit ano dahil wala na kaming pirmihang pinagkukunan ng pera. Wala na, dati mayroon. May kaya ang pamilya niya kaya inisip ko dating magiging maayos kami kahit pa hindi ako makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng matinong trabaho. Kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig; Dahil dito, inakala namin noong kakayanin namin ang lahat hangga't mahal namin ang isa't isa. Nagkamali kami. Buhay pa ang mga magulang niya nang ikasal kami. Ngunit nang mamatay sila at mawala na ang sumusuporta sa aming dalawa, hindi na naging madali ang lahat.

Paglabas ko ng kwarto, nalanghap ko agad ang masarap na amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Ano kaya ang niluluto niya? At naalala ko na kung anong mayroon ngayong araw. 6:30 ako nagising. Ika-30 ng Hunyo ngayon. Limang taon na mula noong ikasal kami. Naaalala niya kayang anniversary namin? Ayos lang kahit hindi.

Napagpasyahan kong kung hindi siya, ako na lang ang gagawa ng pagbabago ngayong araw. Nagpatuloy akong maglakad patungo sa kanya at niyakap siya. Sa sandaling nahawakan ng dibdib ko ang kanyang likod at ng mga braso ko ang kanyang tagiliran at tiyan, naramdaman ko ang paglundag ng kanyang buong katawan. Inisip ko, Ha ha ha, nagulat yata sa akin. Sa abot ng aking makakakaya, pinilit kong sambitin sa kanyang kaliwang tainga ang mga kataga ng 'Happy Anniversary' nang malambing at totoo.

"Mahal, Happy Anniv–," ngunit hindi ko pa natatapos ang pinakalambing-lambing kong bati nang kumawala siya, humarap sa akin, at itinitig sa akin ang mga matatalim niyang mga mata.

Hindi ako matitinag, hindi pa. Sa abot ulit ng aking kakayanan, malumanay kong tinanong kung ano ang problema.

Sa panandaliang paglambot ng kanyang mabalasik na mukha ko nahalata ang pagkalito niya sa ipinakita kong diskresyon. Ngunit hindi nagpatuloy iyong magandang pangitain, at hindi ako nagtagumpay sa pagpapaamo niyong mabangis na hayop.

"Akala mo hindi ko alam," sabi niya sa tinig na may malinaw na pahiwatig ng akusasyon.

"Anong sinasabi mo?"

"Akala mo hindi ko alam kung anong ginawa mo kagabi."

"Sira ulo ka na."

"Gago! Sinasabi mo 'yan kasi akala mo wala akong alam!"

Nagsimula na namang manginig ang buo kong katawan. Sa mga naunang pagkakataon, napagtagumpayan ko ang kagustuhang saktan ang asawa ko sa kahit anong paraan. Ngunit mukhang hindi ako gano'n kapalad ngayon.

Nang hindi ko na kayang pigilan pa ang sariliko, matulin akong lumapit sa asawa ko. Napakabilis na nangyari ng lahat.Sinunggaban ko siya, dinakma ang maganda niyang leeg gamit ang kaliwa kongkamay ko, at sinakal siya hanggang sa natumba kami. Nagsisisipa siya, ngunit sa bawat pagpipiglas niya ay lalo lamang akong nanggigigil kaya lalokong hinihigpitan ang pagsakal sa kanya. Unti-unting nagkulay lila ang kanyangmukha at hindi nagtagal, huminto siya sa pagpipiglas, pati sa paghinga.    

AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon