TPS #6.

4.3K 155 33
                                    

    ****

SHARLENE'S P.O.V

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila Nash. Este- Palasyo dapat tawag dito eh. ANG GANDA SHEMS! As expected sa pamilyang kinabibilangan niya. Gusto kong picturan, nakakaita. Haha! Lumapit ako sa security guard sa may gate at nagtanong.

"Manong. Dito po ba nakatira si Nash?"

"Si Sir Nash po? Bakit po? Isa po ba kayo sa mga fangirls niya? Pasensiya na po, hindi po pinapapasok ang mga kagaya niyo dito." Wow! Just wow! 

"Ay! Hindi po. May gagawin po kaming report ni Nash." kumunot naman ang noo ni Manong Guard na halatang hindi naniniwala sa akin. Napansin ko namang bumukas yung malaking gate saka may isang pulang Porsche ang lumalabas. Huminto naman yun at nung buksan yung bintana, ma magandang babae na kinausap si Manong Guard.

"Manong! Aalis muna ako. May party pa akong aattendan. Baka sakaling hanapin ako ni Nash.” sabi nung magandang babae. Shems! Ang ganda talaga niya! Nakakatibo. Sana ako rin.

“Okay po Ma’am.” tinignan naman ako nung magandang babae sa mukha.

“This question may sound a rude one, but, are you one of the girls that is falling head over heels sa kapatid ko?” tanong niya sa akin. Kapatid niya? Don’t tell me kapatid niya si Nash? Sabagay, magkamukha sila. Gwapo si Nash at maganda siya. Pero grabe naman mga tao dito! Porke may babae lang na taga-university na pumupunta sa bahay nila, fangirl na ni Nash?

“Kay Nash po? Ay, hindi po ah.”

“Are you sure? Why are you wandering around? Gabi na ah. Baka nagaalala na parents mo sa’yo.”

“Hindi po. May usapan po kasi kami ni Nash na dito kami gagawa ng report kaso hindi po ako nakapunta kasi may inuna po akong gawin.” mahinahong pagpapaliwanag ko sa kanya. Binuksan naman nung babae yung kotse niya at bumaba. Tinignan naman niya ako from head to toe.

“Hmmm. Perfect! Pasado ka na.” inabot niya sa akin yung kamay niya. Saka pasado saan?

“I’m Jane Aguas. Older sissy ni Nash. Nice meeting you Ms. worth-waiting-for.” Ms. worth-waiting-for? Weird! Sobrang weird! Nakipag-shake hands naman ako sa kanya, ang lambot ng kamay niya! Tinawag naman niya yung isang maid saka sinabihang papasukin ako.

“Gusto ko sanang makausap ka ng mas matagal kaso mala-late na ako sa party eh. See you a thousand times more!” bumalik na uli siya sa kotse nya at pinaandar. Pinapasok naman ako ng maid nila at sa sobrang mangha ko sa mga nakikita kong mamahaling nuebles at bagay bagay pakapasok ko, nadulas ako. Nice entrance Shar!

The Prince's Spell. (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon