After 3 years...
****
SHARLENE’S P.O.V
“Ay Manong! Dito na lang po pala, lumagpas na po tayo eh. Ito na po bayad ko.” bumaba na ako ng taxi na sinasakyan ko. Bakit ba kasi pinapunta kaagad ako ni Mommy dito para i-submit itong papers ko eh kababa ko lang ng eroplano kanina? Yup, kakauwi ko lang ng Pinas galing Paris after 2 years. May jetlag pa nga ako eh. -_-
At saka bakit ko ba kasi inaalala yung nakaraan eh? Lumagpas tuloy ako sa totoong bababaan ko. Ang Imperial Academy. The school that I attended simula 1st year high school hanggang 4th year high school. Ang setting rin ng kinukwento ko sa inyo ngayon.
Oh ano? Akala niyo siguro lovestory ko yan ngayon noh? Hahaha! Akala niyo lang yun! :P Dati lang kaya. I’m just reminiscing my past. ‘Yung past na hinayaang ang isang Sharlene San Pedro ay magising sa realidad. I’m such an idiot back then! Why?!
I believed in fairytale! Yung fairytale na nagpaniwala sa akin na happy ever after did exist, na totoo na may Prince na maiinlove sa Princess at yung Princess naman maiinlove din sa Prince. Diba?! Ang saya! HAPPY EVER AFTER NGA! Sila na FOREVER!
In-short, naniwala ako na si Nash na ‘yung Prince at ako ‘yung Princess. Pero that is the biggest mistake I ever committed, na pinaniwalaan ko ang mga iyan. Silly me!
Pero tama na nga ang lahat ng kahibangang sinasabi ko sa inyo ngayon. Masabihan niyo pa akong bitter kahit hindi naman. Gusto niyo bang malaman kung bakit may hawak si Nash na gitara at malapad ang ngiti sa akin nung gabing ‘yun? Pinapagawa niya lang sa akin yung string. Nasira daw! Dejk! Ang corny ko. -_- Di talaga yun ang nangyari.
*flashback*
Hindi sinagot ni Nash ang tanong ko. Kumanta lang siya habang ako ay nakatingin din sa kanya. Hinaharana niya ba ako?!Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na~"Bakit mo kinanta yan?"
"Humihingi ng sorry. Diba tinext mo ako na huwag na huwag na kitang itetext. Tapos hindi mo pa sinasagot text at tawag ko. Akala ko galit ka." hah? Hindi kaya sa kanya ko nasend yun text na para kay Francis? Tapos pinatay ko pa yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
The Prince's Spell. (NashLene)
Fanfiction"Walang lalaking magkakagusto sa'yo!" Yes, that prince just casted that spell on me. 》Book 2: Magical Downfall (NashLene & JaiLene) ♥