****
SHARLENE’S P.O.V
Naalala ko na naman ‘yung nangyari kagabi. Bakit ba kasi bigla kong hinalikan sa noo si Nash?! >//< Pero erase muna yon, kailangan kong dalawin si Kiko ngayon. Pagkakatok ko sa bahay nila, bumungad sa akin ‘yung nanay niyang iniwan siya at biglang bumalik.
“Sharlene nga ba ang pangalan mo hija?”
“Opo, nasaan po si Kiko?”
“Nasa taas, nagpapahinga. Hija, salamat ah. Nabalitaan ko sa tatay niyang ikaw lang ang naging kadamay ni Kiko sa mga panahong wala ako. Salamat at nanatili ka sa tabi ng anak ko. Pinapangako kong ang bawat pagkukulang ko kay Kiko at magkakaroon ng kapalit.” Sabagay, ako nga ‘yung tumayong mother image ni Francis kahit highschool lang kami nagkakilala. Mabuti na rin siguro para kay Kiko na bumalik ang nanay niya.
“Naku, wala po yun. Hindi na rin po iba sa akin si Kiko. Sige po, punta na po ako sa kwarto niya.” niyakap ko na lang ‘yung nanay niya.
*tok *tok
Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto ni Kiko pero hindi siya sumasagot. Minabuti ko na lang na dumire-diretso papunta sa loob. Nakaupo siya at nagso-soundtrip, hawak hawak din niya ‘yung cellphone niya. Siguro hindi ako napapansin ng isang ito. Lumapit ako sa kanya at mula sa likod, nakita kong tinitignan niya mga picture naming dalawa. Ang dami din ah, kanina pa siya swipe ng swipe.
“Sino ba ito? Sharlene?” tinakpan ko kasi mga mata niya mula sa kinatatayuan ko.
“Bingo! Ito oh.” inabot ko sa kanya ‘yung isang basket ng prutas na binili ko.
“Salamat, nag-abala ka na naman. Saka may absent ka na ah, hindi ka dumalaw sa akin kagabi. Joke! Haha.” Oo, paano ba naman kasi araw-araw kong dinadalaw si Francis simula ng atakihin siya ng grabe sa sakit niya 1 week ago.
“Oo eh, birthday kasi ni Nash kahapon. Pumunta ako ng party niya.”
“Hmm. Nash? Nash na naman.”
“Bakit, ano bang problem kay Nash?” bahagya siyang tumahimik saka nagsalita uli.
“Matanong nga kita Shar, ano ba si Nash sa’yo?” Napaisip ako bigla, ano nga ba si Nash sa akin. Tuwing kasama ko siya, nakakadama ako ng ibang feeling na para bang lumilipad ako at may mga paruparong dumadapo sa tiyan ko. Ano nga ba si Nash sa akin ngayon?
BINABASA MO ANG
The Prince's Spell. (NashLene)
Fanfiction"Walang lalaking magkakagusto sa'yo!" Yes, that prince just casted that spell on me. 》Book 2: Magical Downfall (NashLene & JaiLene) ♥