chapter 23

443 37 2
                                    

James POV

"Ahhh!"sinuntok ko ang pader.

Bakit kasi kailangan siya pa yung mawala?! Sana ako na lang!

"Ahhhh!"sinipa sipa ko ang pader ng kwarto ko.

Hirap na hirap na ko. Lumuhod ako at sinandal ang ulo sa pader. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko. Hindi ko na alam. Bakit ba kailangan pang mangyari to? Bakit samin pa? Bakit si Lirah pa? Naguguluhan ako! Bakit sya lang?! Bakit si Lirah lang?! Bakit di nila ko sinama?!

Sinuntok ko ulit ang pader ng paulit ulit. Wala na akong pakealam.

"James! James, tama na!"hinila ako ng isang babae.

Nilingon ko sya. Hindi ko alam pero biglang nagblur ang paningin ko. May nakikita akong hindi ko maipaliwanag. Hinawakan ko ang sentido ko dahil sobrang sakit na ng ulo ko.

"James?"nilingon ko ulit ng babae pero huli na dahil natumba na ako.

~~~~~~~~~~~~~~

Minulat ko ang mga mata ko at agad ko naaninang ang isang maputing babae. Hindi ko makita ng maayos dahil malabo pa ang mata ko.

"Lirah?"tanong ko.

Sya kasi ang una kong naisip.

"James.....w-wala pa si Lirah eh.....ako to s-si Lorraine.....d-di mo na ba ko naaalala.......Jayson"kumunot ano noo ko.

"Jayson? I'm James....."sabi ko. Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Hahawakan ko na sana ang ulo ko pero naramdaman ko ang hapdi ng kamay ko. Hinawakan ni Lorraine ang kamay ko kaya nagangat ako ng tingin sa kanya.

"Wag mo kong hawakan!" Sigaw ko dito. Halatang nagulat siya dahil napa-atras ito sakin.

Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Binaling ko lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Ayokong makakita ng umiiyak!

"Stop crying!" Sigaw ko sa kanya nang hindi pa rin tumitingin.

"Hindi mo ba ko naaalala?" Ano bang sinasabi ng babaeng to?! Bago pa ko makasagot ay sumakit na naman ang ulo ko. May imaheng lumabas sa isip ko.

"Jayson!" Sigaw ng isang babae na palapit sakin.

"Naaalala mo na ba ko?" Tanong niya saken.

"Are you crazy? Ano bang sinasabi mo?!" Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito. Lalapitan niya sana ako pero tinabig ko siya.

"Don't go near me!" Sigaw ko sa kanya. Napaatras naman siya sa takot. Hindi ko na nakayanan ang sakit ng ulo ko. Unti unting nagdilim ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~~
Lirah pov

"Please! Pakawalan niyo na ko! Hindi ko talaga alam ang sinasabi niyo!" Sigaw ko kay lean.

"Oh please! Wag mokong gawing sira Lirah." Pinaupo niya ko sa tapat ng isang tv habang may sinasaksak siyang dvd. Nagulat ako sa napanood.

"That's your car, right?" Tanong niya saken nang matapos ang isang video. Si James. Ang lalaking mahal ko. Unti unting pumapatak ang luha ko.

"Oh my gosh!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako. Si James ang nabangga ko. Bakit siya pa? Bakit ang lalaking mahal ko pa?! "Im so sorry!" Humagulgol na ko.

"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang mga ala ala ni James?!" Galit na galit siya saken. "Si Jayson ay si James!" Oh my god!

"What do you want me to do?" Tanong ko sa kanya.

"Hiwalayan muna ang kapatid ko! Tigilan mo na siya!" Nanlaki ang mata ko sa gusto niya.

"No! Hindi ko kaya!" Sinampal niya ko.

"Hindi mo gagawin? Gusto mong idamay ko ang pamilya mo? You know what? Alam ko din ang ginawa ng pamilya mo nang malaman nilang nakabangga ka! Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko ipapakulong kita at ang pamilya mo!" No no. Pero ang pamilya ko. Hindi na dapat silang madamay pa.

"Ok fine! Wag mo lang idadamay ang pamilya ko!" I have to do this. Babalikan ko si James. Babalikan ko siya.

"Good. Dadalhin kita sa kapatid ko. Sabihin mo na hindi mo naman talaga siya mahal. Pinaglaruan mo lang siya. Pagkatapos ay iwan mo na siya." Naiisip ko pa lang na sasabihin ko ay parang hindi ko na kaya. Pero kailangan ko itong gawin para kayla mama. Ayoko nang madamay pa sila.

"Sige. Gagawin ko"nakayuko kong sabi habang umiiyak.

Nilabas nila ako sa bahay at hinatid sa tinitirhan namin ni James dito sa palawan.

Nang makarating kami ay inawan nila kagad ako. Pumasok ako sa loob. Lakung gulat ko nang makita sila mama at kuya sa bahay namin.

"LIRAH!" YUMAKAP SAKEN SI MAMA. Ang sakit ng katawan ko.

"Mama, ang sakit" umiiyak ako habang nakayakap kay mama.

"Shhhh, wag kang mag alala. Safe ka na ok?" Sana nga.

Nakita kong lumabas si James sa kwarto kasunod si ate. Anong ginagawa nila sa iisang kwarto? Napakunot ang noo ko nang tumingin ako kay ate. Nagiwas siya ng tingin. Nang tumingin ako kay James ay pumatak na naman ang mga luha ko. Agad siyang tumakbo saken at yumakap.

"God! Anong ginawa nila sayo?!bakit puro pasa ka?!" Niyugyog niya ang katawan ko. Ouch!!sobrang sakit.

"James. Can we talk?" Tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin sa mata niya. Baka kapag tumingin ako sa kanya ay mabago pa ang isip ko.

"O-of course" nagulat ako nang buhatin niya ko. Hindi kase ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.

"So? Tungkol saan ba ang pag uusapan natin?" Hindi ako makatingin sa kanya.

"James ayoko na." Ako.

"W-what do you mean?" Rinig ko ang pagtataka sa boses niya.

"Hindi na kita mahal! Oh i mean hindi kita minahal! Pinaglaruan lang kita!" Pinilit kong wag maiyak sa sa harap niya.

"No! Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi totoo yan diba?! Mahal mo ko alam ko!" Naiiyak na siya. Umiiyak siya.

"Totoo! Ayoko sayo! May mahal akong iba! Please! Tantanan mo na ako!" Walang nagsalita samen ng sabihin ko iyo.

"Tell me, sino ito? SINO?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Sorry! Mahal na mahal kita pero kailangan ko tong gawin para sa pamilya ko. "Sino siya?!" Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Hindi mo na kailangan pang malaman! Aalis na ko" narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pinilit kong makalakad kahit na masakit. Mas masakit pa rin yung nararamdaman ko ngayon.

"Goodbye James. Babalikan kita. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli"mahina king sabi pagkalabas ko ng kwarto namin.

"Ma, uwi na tayo" napatayo sila. Yinakap ako ni mama.

"Magiging okay din ang lahat" tinapik tapik niya ang likod ko.

"Sana nga ma" umalis na kami sa bahay. Nakita ko ang kotse ni lean. Nagawa ko na ang gusto niya. Kakalabas ko lang pero parang gusto ko siyang balikan. Pero hindi pwede.

Haysss. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko James. Kung alam mo lang.

~~~~~~~~~
Ang panget dba?😂😂 first time ei😂

Say You Won't Let Go Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon