Chapter 36

438 30 0
                                    

Lirah's pov

Pauwi na kami ngayon sa Manila.

Hindi na ko sumabay kela James.

Kasama niya pauwi ang anak niya e.

Nakasuot ako ng shades ngayon.

Bakit? Namamaga mata ko dahil sa pag-iyak.

At tanggap ko na rin na huli na talaga ako at wala ng pag-asang magka-ayos kami ni James.

Sa pinaka-likod ako umupo sa Van na maghahatid samin pabalik sa Manila.

Kinuha ko ang earphones ko sa bag at nilagay ko ang dalawang dulo nito sa tenga ko.

Sinaksak ko sa phone ko ang earphones ko at naghanap ng magandang kanta.

Sumandal ako sa inuupuan ko at pumikit.

~~~~~~~~~~~~~~
"Oy! Gumising ka na sleeping beauty!" Nagising ako ng may umalog sakin.

"Eto na." Umayos ako mg upo ng hindi binubuksan ang mata ko.

Unti unti kong binuksan ang mata ko at tumingin sa bintana.

Nandito na pala kami sa tapat ng building na pinagtatrabahuhan namin.

Kaming dalawa na lang ni Yesha ang nasa van.

"Ano? Hindi pa tayo bababa? Nagugutom na ko, Lirah!"  Sabay himas niya sa tiyan niya.

"Eto na." Nauna siyang bumaba bago ako.

Dumiretso kami sa canteen oara kumain.

Tanghali na rin kasi kami nakadating e.

Matapos naming umorder ay naghanap na kami ng uupuan. Nang makahanap ay umupo na kami at nagsimulang kumain.

Maya maya ay napatingin kami sa bagong dating na babae.

"Hoy Lirah." Tawag sakin ni Yesha kaya tumingin ako dito.

"Yang babaeng daw yan, girlfriend ni Sir James." Napabitaw ako sa kutsara kong hawak.

"Siya si Ma'am Tiffany. Galing yan sa mayamang pamilya." Napatingin ako sa babaeng sinasabi ni Yesha.

Nag-unahan ng maglabasan ang mga luha ko.

"Oh? Ayos ka lang?" Humarao siya sakin. Nagulat siya ng makita akong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak? Masyado ka bang nagandahan kay Ma'am?" Sabi niya pagkatapos ibigay  sakin ang tissue.

"Wag kang mag-alala. Mas maganda ka diyan kay ma'am." Bulong niya sakin.

Napatungo na lang ako.

I was trying not to cry but it hurts.

It sucks when the only person who can make you feel better is also the reason why you always cry.

"Lirah naman. Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ulit nito sakin.

Pinunasan ko ang luha ko at nag-angat ng tingin.

"Wala. May naalala lang ako." Sinubukan kong ngumiti sa kanya.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Mommy!" Si Mich.

Tumingin ako kay Mich na nakayakap ngayon kay Tifanny.

Halos manigas ako sa upuan ko ng biglang lumabas si James na nakangiti kela Tifanny.

Dati, isa ako sa dahilan kung bakit siya ngumingiti. Ngayon? Iba na at hindi na ako.

Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.

Tumayo ako at tumakbo paalis sa canteen.

Lumabas ako ng building na yon at pumunta sa park na madalas pinupuntahan namin ni papa.

Malinis ang park at walang tao.

Umupo ako sa ilalim ng puno.

Pinipigilan kong umiyak.

"Behind her smile is a hurting heart, behind her laugh she's falling apart." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita.

Umupo sa tabi ko si Lean.

"It hurts everyday. My heart is so tired." Pilit kong pinigilan ang maging emosyonal ng sinabi ko yan.

Ayokong maging mahina sa harap ni Lean.

"I hate crying in front of people. I feel weak, like i'm begging for sympathy and that's not me." Umiwas ako ng tingin kay Lean.

"Crying is how our hearts speak when our lips cannot describe how much we've been hurt. Lirah, you can cry on my shoulder." Hinawakan niya ang ulo ko at sinandal ito sa balikat niya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Why does my heart feel so bad?" Tanong ko habang umiiyak ako.

Niyakap ako ni Lean.

Unti unti akong napagod sa kakaiyak hanggang sa tumigil na ako.

Ito ang huling pagkakataon na iiyak ako dahil sa kanya.

Humiwalay ako kay Lean.

"Salamat." Hindi ako tumingin kay Lean ng sabihin ko sa kanya iyan.

"No problem. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi para sayo." Ngumiti siya sakin.

"Liraaaaaaaaaah!" Napatingin kami ni Lean kay Yesha ng sumigaw ito.

Palapit ito sakin.

Bigla niya kong niyakap.

"Bakit mo ko iniwan doon? Ayos ka na ba? Bakit ka ba umiiyak?" Bumitaw siya sa pagkakayap sakin at tumingin sa katabi ko.

"Sir Lean?" Nginitian lang siya ni Lean.

"Wag kang mag-alala. Ayos na ko." Ngumiti din ako sa kanya.

Ngumiti siya sakin at niyakap ulit ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Tara na! Uwi na tayo." Yaya ko sa kanilang dalawa.

Mahigit isang oras kami dun sa park.

Naka-upo at nagkekwentuhan.

"Sige. Tara na." Inalalayan ako ni Lean patayo.

Si Yesha naman ay nakatayo na.

"Ano ba talagang meron sa inying dalawa?" Nanlilisik ang mata nito.

Natawa naman kaming pareho ni Lean sa reaksyon nito.

"Magkaibigan nga lang kami." Sagot ko naman.

"Aish! Sige na nga." Sinabay na kami ni Lean pauwi.

"Bye! Ingat kayo." Paalam ko sa kanila ng makarating ako sa bahay.

"Mama, nandito na po ako." Agad namang lumabas si mama.

"Oh? Nandyan ka na pala." Lumapit sakin si mama at hinalikan ako sa pisngi ko.

"Pasalubong?" Napatingin ako kay kuya.

Kinuha ko sa bag ko ang napamili kong pasalubong para kela mama.

"Oh." Inabot ko kay kuya ang mga nabili ko.

Nilabas ko din yung mga t-shirt at binigay sa kanila to.

"Sige na. Magpahinga ka na. Mukang pagod na pagod ka e." -mama.

"Sige po. Akyat na ko." Nauna na kong umakyat kela mama at dumiretso sa kwarto ko.

Naligo muna ako at nagpalit ng damit.

Humiga ako sa kama ko at pumikit hanggang sa makatulog na ko.








Say You Won't Let Go Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon