chapter 6

753 38 0
                                    

Lirah's pov

Nagising ako nang namumugto
ang mata.

Tumingin ako sa salamin upang tignan ang itsura ko.

Pulang pula ang aking mata at ang laki ng aking ayebags.

Haysss. Dumiretso nako sa cr at naligo.

Bumaba nako. Nakaupo na sila mama at kuya. Natigil sila sa pagkain at tumingin saken.

"Anak! Muka kang zombie" lumapit ako kay mama para makipagbeso.

"Alis na po ako" hindi na ako kumain. Narinig ko pang tinawag ako ni mama pero di ko na ito nilingon.

After 5 mins.

Dumiretso ako sa canteen para bumili ng pagkain ko.

Pagkapasok ko nang canteen nakita ko kagad si James na may kasamang babae. Answeet nila.
Parang may kung ano sa dibdib ko. Tumama naman ang tingin nya saken. Ngumiti sya saken at tumayo para ata lapitan ako pero agad akong lumabas. Sa kabilang canteen na lang ako pumunta.

Bumili nako ng pagkain ko. Paglakad na sana ako nang may nabangga ako. Tumapon tuloy ang pagkaing binili ko.

"Ano ba naman!" Napasigaw ako kaya napatingin silang lahat saken. Tumungo na lang ako.

"Ah sorry nagmamadali kase ako" napatingin ako sa nagsalita dahil pamilyar saken ang boses nya. Si lean pala. "Eto bumili ka na lang ulit" sabay abot ng 100.

"Ah hindi na. Sige mauna na ko." ngumiti ako at lumabas na lang.

Pumasok na ko sa room nang hindi kumakain.

Natapos na ang pangalawang klase at break time na.

Nakaramdam ako ng pananakit ng tsan habang naglalakad.

Nahihilo nako naghanap nako ng pedeng sandalan hanggang sa everything went black.

.........
Nagising na lang ako nang nasa clinic ako. Napatayo ako. Nakita kong si James ay kinakausap ang nurse habang ang nurse ay tila ba nag papacute. Napakunot ang noo ko. She's flirting.

"Ehem ehem" umubo ako kunware. Napatingin sila saken.

Lumapit saken si James.

"Are you ok now? May masakit pa ba sayo?" Tumingin ako sa mga mata nya na para bang alalang alala. I noticed his brown eyes and his perfect nose. Tila ba isang Diyos ang kaharap mo.

He snapped his fingers na nagpabalik saken sa realidad.
"Hey" tumaas ang isa nyang kilay.

"Ahh sorry. Okay na ko. Dont worry." Ngumiti din ako para ipakita sa kanya na ayos lang talaga ako.

"Alryt, iuwi na kita sa bahay nyo" nagtataka akong napatingin sa kanya.

"May klase pako" sagot ko sa kanya.

"I know, pina excuse na kita" tumingin sya sa paligid.

"How about you?" Tanong ko.

"Excuse na rin ako. So let's go" hindi na ko umimik pa at tumayo na lang ako.

Lumabas na kaming dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ko.

Agad kong inagaw ang kamay ko sa kanya.

"Kaya ko." Mas binilisan ko pa ang lakad.

"Lirah! Saglit!" Nahabol niya ako.

"Bakit ba?! Please. Lubayan mo muna ako." Nang makita kong nagulat siya sa sinabi ko, doon ako nagkaron ng chance na umalis.

Lumabas na ako ng school.

Tumawag muna ako ng taxi at sumakay na doon.

~~~~~~~~~~~~~
"Mama, nandito na ko." Agad lumabas ng kusina si mama.

"Bakit ang aga mo yata?" Tanong nito sakin.

"Excuse ako. Medyo nahihilo kasi ako kanina, bigla na lang akong nawalan ng malay." Nagulat si mama sa sinabi ko.

"What?! Ayos ka na ngayon?" -mama.

"Opo. Magpapahingan na po ako." Hinubad ni mama ang apron na suot niya.

"Oo sige." Sinamahan ako ni mama paakyat sa kwarto ko.

Ng makarating sa kwarto ko ay agad akong pumasok dito.

"Sige na ma. Magpapalit na muna ako ng damit tapos matutulog na ako." Tumango sakin si mama.

"Sige." Bumaba na si mama.

Nagpalit muna ako ng damit tapos ay humiga na.

Agad naman ako hinila ng antok.

Say You Won't Let Go Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon