Chapter 5: Club part 2

257 82 11
                                    

Iniikot ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan siya at nakita ko siyang nakaupo sa may VIP seat sa harap. Isa iyung couch na pang maramihan. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na mga cassanova rin.

Mayamaya ay may lumapit sa kanilang apat na babae. Isa kay James, isa kay Sky at dalawa kay William.

Napailing nalang ako sa nakikita ko. Mukhang kilala na sila dito dahil lumalapit kaagad sa kanila ang mga babae at wala manlang angal ang tatlo. Kung sabagay ay pano nga naman sila aangal kung pagkain na ang lumalapit sa manok. Tutukain nalang nila hanggang sa mabusog na sila. Tsk tsk tsk. Cassanova nga naman.

Pumunta ako sa counter at nag-order ng drinks. Ok lang naman na uminom din ako. Friday naman ngayon kaya walang pasok bukas. Pweding matulog ng matagal.

Iniabot sa akin ng bartender ang drinks ko. Kinuha ko ito at humarap sa pwesto nong tatlong malalandi. Sinigurado kong hindi nila ako madaling makikita sa pwesto ko pero nakikita ko sila. Ininom ko na ang unang shot ko at inilibot ang paningin sa paligid. Baka kasi nandito ang mga gustong pumatay kay William.

Habang umiinom ako ay di ko maiwasang tumingin sa paglalandian nila doon sa couch. Parang sarap na sarap sila sa ginagawa nila. "Palibhasa kasi wala kang experience" sabi ng bad side ng utak ko. "Eh ano ngayun? Atleast hindi ako malandi" sagot naman ng sa good side. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Tumingin ako ulit sa paligid at parang wala namang kahina-hinala. Eenjoy-in ko nalang muna ang pag-inom ko dito. Mayamaya ay sasama na rin ako sa mga sumasayaw. Sayang naman pagpunta ko dito kung hindi ko din eenjoy-in diba?

Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa dance floor na ako. Hindi pa naman ako lasing malakas tolerance ko. Di ko rin anaalis ang paningin ko kay William. Meron akong kasayaw na gwapong nilalang ngayon. Hindi siya nagsasalita at hindi rin ako. Parang pareho lang kami na gusto lang eenjoy ang pagsayaw.

Mayamaya ay nakita ko si William na may kasayaw na babae. Aba, at ibang babae naman ngayon. Parang enjoy din naman ang babae na kasayaw sjya. Puro sexy moves na ang ginagawa nila. Daring na masyado tapos biglang...






Bogsh...




Sinuntok si William.

Napa "ooohh" naman ang mga tao kasama na ako don. Maganda to, eksena eh. Manunuod muna ako. Yung ibang mga customer ay sumasayaw pa rin. Ayaw yata maputol ang kasiyahan nila. Yung iba ay napaatras at nakinood din.

Back to the scene...

May sumuntok na lalaki na mukhang gangster kay Wil habang sumasayaw sila nong babae kaya ayon, bagsak ang ating bida. Pansin kong lasing na nga ang ating bida kaya wala na siya sa wisyo. Tinulungan si Wil ng dalawa nyang barkada para makatayo.

"Ano bang problema mo ha?" Galit na tanong ni William.

"Ikaw! Girlfriend ko siya kaya wag mo syang landiin!" Pasigaw nitong sagot.

*Bogsh!* Sinuntok ni Wiliam 'yong lalaki. Bagsak sa floor. Ayos to intense na ang laban mga brad. One on One po.

"Eh gag* ka pala eh. Girlfriend mo hinahayaan mong maglandi siya sa iba? Siya ang lumapit sakin dude kaya wala akong kasalanan." Sagot niya at dinuro-duro pa ang lalaki. Yung babae naman na pinag-aawayan nila ay nasa tabi at parang natatakot awatin ang dalawa. Tsk tsk tsk. Kasi naman may boyfriend na pala nanlalandi pa. Tapos biglang may tatlong lalaking puro may tattoo sa kamay ang lumapit don sa lalaki. Mukhang ka gang-mate niya. Plano yata nilang patulugin ang grupo nila William.

Love Conquered MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon