Chapter 27: End of Contract

31 9 1
                                    

Pumasok na kami at namangha ako sa ganda ng lugar. Ramdam ko ang malamig at malamyos na hampas ng hangin. Tinatangay nito ang ilang hibla ng aking buhok.

"are you hungry? " tanong ni William habang gumagala kami sa loob ng lugar.

"uhmm... Medyo." tiningnan ko ang oras sa aking relo at lagpas alas-onse na pala.

"halika. Ipapahanda ko na ang pagkain." iginiya niya ako sa loob ng isang two-storey building. Mukhang pweding pang reunion ang resort dahil may mga kwarto yata sa taas ng building kung saan pweding matulog. Pagkapasok sa amin ay sumalubong ang maluwang na lobby. Sa gitna nito sa dulo ay ang hagdan paitaas at sa kanan ay sa isang function hall. Sa kaliwa naman ay isang maliit na restaurant. Mukhang pang maliit na salo-salo lang.

Pumasok kami doon at umupo kami ni William sa nag-iisang lamesa sa gitna. Mukhang pinagilid talaga niya ang ibang mesa para sa lunch namin ngayon.

Pinaghila niya ako ng upuan at umupo na rin siya. Mayamaya pa ay nagsilabasan na ang mga waiter para dalhin ang pagkain namin. Sa dami ng nakalagay sa lamesa, napatingin ako kay William.

"mauubos ba natin lahat to?" gulat kong tanong. Limang putahi ba naman ang ihanda sa harapan mo tapos dalawa lang kayong kakain.

Napakamot siya sa ulo. "sorry, di ko kasi alam ang gusto mo kaya nagpahanda na lang ako ng iba't-ibang putahi. Tulog ka kasi kanina kaya hindi na kita ginising para tanungin."

"ahh... Di naman ako mapili sa pagkain. Tara kain na lang na tayo." nginitian ko siya at nagsimula ng maglagay ng kanin sa plato ko. Siya naman ay kumuha nagslice ng steak at inilagay sa plato ko. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako. Ginantihan ko na lang din siya ng ngiti. Pinaglalagyan din niya ako ng iba pang ulam hanggang sa mapuno ang plato ko. Parang kikitayin na ako sa dami nito. Di na lang ako nagreklamo at sinimulan na ang pagkain.

"how is it? Do you like the food?" tanong niya habang ngumunguya ako ng pagkain. Napatango-tango naman ako bilang sagot. "buti naman." saad niya at nagsimula na ring kumain.

Natapos kaming kumain at halos lumuwa na ang intestines ko sa dami ng kinain ko. Parang sasabog ang tiyan ko sa pagkabusog. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay at nagtawanan sa mga corny niyang jokes. Tuwing tinatanong ko ang sa kung ano ang gagawin niya kapag break na kami ay iniiba niya ang topic. Nagtataka man ako ay hinayaan ko na lang. Sinabi pa nga niya na gusto daw niyang sumali sa Heaven. Sinabi ko na lang na bawal ang mga cassanova doon at umarte siyang nasaktan saka kami nag tawanan.

"halika, may ipapakita ako sa iyo." tumayo siya at umikot sa inuupua. Ko para akayin ako paalis.

"saan tayo pupunta?"

"basta. Magugustuhan mo doon." hila-hila niya pa rin ako palabas ng building. Nagtaka ako ng deretso sa kotse ang punta namin.

"lalabas tayo?"

"yep! "

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako bago niya ito isara at umikot sa driver's seat. Kung saan niya man ako dadalhin, sigurado akong magugustuhan ko nga. Never pa ako nakapuntang Batangas kaya wala akong alam sa lugar.

Lumipas ang lagpas tatlong minuto at huminto kami sa isang hill. Ang ganda ng lugar.

"saan to? " nakangiti at excited kong tanong.

"Monte Maria Pilgrimage. Tara." nakangiti niyang saad. Sabay na kaming lumabas ng kotse niya. Agad na sumalubobg sa akin ang malamyos na hangin mula sa dagat na kitang-kita mula sa kinaroroonan namin. Nasa tabi lang din namin ang napakalaking rebulto ni Mary.

"wow! Ang ganda! " mangha kong sabi habang iniikot ang paningin sa buong lugar.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan ng litrato ang lugar. Nagselfie din ako. P-in-icture-an din ako ni William at p-in-icture-an ko din siya. Minsan ay magkasama kami sa picture. Pumasok kami sa loob ng shrine at namangha ako sa loob nito. Isang pa-curve na linya ng mga upuan paharap sa altar. Meron ding second floor terrace pero kalahat lang ng lugar.

Love Conquered MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon