Goodbye

15 3 0
                                    

"Baby uuwi na ko gabi na eh. Baka hanapin na ko nila mommy iloveyou Colemn Bautista lumaban ka pa ha?" pagpapaalam ko sakanya.

"Yes baby i will iloveyou Riley Santos" sabi nya habang nakangiti ng pilit kitang kita na yung panghihina nya di ko yata kakayanin kung mawala sya sa buhay ko. Tumalikod ako sakanya naiiyak ako ayoko ipakita sakanya yun dahil ayokong magalala pa sya. Hindi ko matanggap. Baket sya pa? Baket boyfriend ko pa? May sakit si Colemn. Hanggang ngayon di ko pa din matanggap. Binigyan na ng taning yung buhay nya 2 months. 2 months nalang kame magsasama :(

Umuwi na ko. Babalik nalang ako bukas. Pagdating ko sa bahay. Andun sila mommy. Lumapit ako agad at tumabi sakanya.

"Kamusta si colemn?" -mom

"Ok naman sya mom. Kaso nakikita ko mukang hirap na hirap na sya" malungkot na sabi ko kay mommy bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Dahil sa yakap na yun napaiyak ako.

Pagkatapos ng drama moment namen ni mama umakyat na ko agad. Matutulog muna ko. Nakakapagod tong araw na to eh. Pagpasok ko ng kwarto dumiretso ko agad sa kama at pumikit.

Paggising ko napatingin ako sa kalendaryo ko. 11 na pala. 4th anniversary na namen :(

Naligo agad ako tapos kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na ko kay mom para umalis.

Dumiretso ko sa bakeshop para bumili ng chocolate cake para kay colemn favorite nya to eh. 

anniversary gift ko na din sakanya. Pagtapos kinuha ko yung phone ko para itxt sya.

To: Baby❤
Baby im on my way. Iloveyou :*

*beep*

From: Baby ❤
Ingat baby iloveyoutoo :*

Pagtapos ay tinago ko na ang phone ko. Pagdating ko may mga flowers. Napatingin ako sakanya. Ibang iba yung muka nya ngayon. Sobrang saya nya. Nakangiti sya saken. Lumapit ako agad tapos niyakap ko sya.

"Happy Anniversary baby"-sabi ni Colemn habang nakayakap.

"Happy Anniversary"-ako

"Kamusta ang baby ko?"

"Ok lang po nakita na kita eh." Hahaha baliw talaga to pinapakilig nanaman ako.
Nagulat ako ng bigla nya kong ikiss. That kiss. Parang last kiss na. Hindi ko na napigilan at tumugon na ko sa kiss nya.

"Iloveyou baby" sabi nya pagtapos ng kiss na yun.

"Iloveyoutoo" nakangiti kong sabi sakanya.

"Baby"

"Yes?" nagulat ako may nilabas sya.

Kwintas. nakaukit yung name naming dalawa.

"Here's my gift baby. Ingatan mo ha?"

"Thankyou. Pagaling ka baby ha? Lalaban ka para saken at para sa mom and dad mo ok?" he just simply nod.

"Kumain ka na ba baby?" tanong ko sakanya. Para maiba ang usapan haha.

"Hindi pa baby ikaw po ba?"

"Opo. Baby wait bibili lang ako foods mo ah? May dala akong cake para sayo. :) wait lang ah? Pahinga ka muna mwah" masiglang sabi ko tapos kiniss ko sya sa lips.

"No wag na. Dito ka lang" malungkot na sabi nya.

"Saglit lang naman ako baby. Babalik ako agad. Intay lang ok? Iloveyou :*" sabi ko at tumalikod na ko sakanya. Pagalis ko ay nagdrive ako agad papuntang mcdo.

*after a few minutes*

Pagdating ko nakapikit sya. Baka nakatulog. Lumapit ako agad tapos nilagay ko yung pagkain sa lamesa tapos bumulong ako sakanya para gisingin.

"Baby?" No response.

"Baby gising. Eto na yung foods mo oh kain ka na." No response. Nagtataka ako dahil di paren sya nagigising.

"Baby!! Gising!! Ano ba?!!" Naiiyak na ko. T.T

"Hoy colemn wag ka magbibiro ng ganyan." Hinawakan ko yung kamay nya at kinapa ko yung bandang pulso. Nabigla ako.

Walang tibok. It means wala na sya? Hindi to pwede. Hindi. Hindi. T.T baket ngayon?! Baket baket baket?! Kung kelan anniversary pa namen.

Dapat pala di na ko umalis. Dapat nagstay ako kahit saglit. Kasalanan ko to. Iniwan ko sya. Sinabi nyang wag ako umalis pero di ko sya sinunod.

"Im sorry Baby. Kasalanan ko to. Dapat di ako umalis sa tabi mo. Dapat magkasama pa tayo ngayon. Baket ba iniwan mo ko agad?! Nakakainis ka naman eh!" 😭😭

Pagtingin ko sa kabilang kamay nya hawak nya yung phone nya. May message na dapat isesend na nya saken. Binasa ko ito.

To: Baby ❤

Baby sorry triny ko lumaban. Ginawa ko lahat. Yung kaninang sinabi kong wag ka umalis nanghihina na ko nun. Paglabas mo nahirapan na ko. Triny ko lumaban para sayo. Para kahit matapos man tong anniversary naten maging masaya ka naman kasama ko. Sorry kung lungkot yung nabigay ko sayo ngayong araw na to. Baby ipangako mo. Lalaban ka ha? Kahit wala na ko. Tuparin mo pangako mo. Tuparin mo pangarap mo, pangarap naten. Wag ka agad susuko. Alam mong mahal na mahal kita Riley. Salamat sa pagmamahal at hindi mo ko iniwan kahit na may sakit na ko. Kahit na nahihirapan ka na di ka padin sumuko. Salamat. At patawad dahil di ko na natupad yung pangako kong tatanda tayo ng magkasama. Wag ka ng malungkot ok? Masaya naman akong nawala eh. Wag kang magdadalawang isip na magmahal ulit baby. Basta andito ko lagi sa tabi mo. Forever. Goodbye. Iloveyou Baby Riley so much.

"Grabe ka talaga noh? Nagawa mo pang magtxt mamamatay ka na nga. HAHAHA. Siraulo ka talaga by!" Sabi ko habang umiiyak.

"Sorry baby ha? Kung iniwan kita kanina. Pangako ko sayo. Tutuparin ko pangarap nateng dalawa. Magiging successful ako at para sayo yun." Ngumiti ako tapos pinahid ko yung mga luha ko. Hinalikan ko sya sa labi kahit hindi sya tumugon ay ramdam ko paren na andito sya na katabi ko sya.

"Iloveyou baby Forever."

Kinuha ko yung phone ko at tinxt ko yung mommy nya at si mom.

Before He DiedWhere stories live. Discover now