Ito ang istorya kung saan ang bida ang extra
Tingin niya'y pareho silang bida, pero hindi
Magulo, oo
Ngunit napagtanto niya na bawat tao'y may sariling kwentoNakakapagtaka na sa mga bawat tao, relasyon, sa mga teleserye, o kung ano pa man iyan
Laging mayroong isa o higit pa na 'extra' hindi ba?
Na para bang pilit niyang sinisiksik ang sarili sa iba
Na akala niyang mayroon siyang 'role' pero wala
Kumbaga parang nasingit lamang ang mukha sa camera
Pilit ibinagay ang sarili sa istoryang dapat ay wala siyaMagkaibigan tayo ngunit hindi man lang nakakapag-usap
Nagkakilala sa mga tingin na kay agap
Minahal kita sa mga ugaling naririnig ko lamang
Na sana'y hindi nalang ako nakinig, sa kanilang mga puri sa iyong kisigHindi kalaunan nakilala mo ako
Doon ka palang dapat nasabing magkaibigan nga tayo
Nakilala mo dahil umamin nga ako
Sa aking pagtingin sa iyoAraw-araw walang bahid na lungkot sa'king mukha
Kahit ang puso'y nagagalak sa pagkamangha
Sa iyong mga galaw at salita
Na iyong binibitawan sa t'wing nakikitaDumaan ang mga araw, walang nagbago
Nakilala mo nga ako, pero wala paring pinagbago
Masakit, sobrang sakit
Lalo na ng naramdaman kong higit pa sa kaibigan ang hanap ng aking pusoLumipas ang mga araw, walang pinagbago ikaw padin
Araw-araw walang ginawa kundi mag-isip na may gusto ka nga sa akin
Iniisip ang mga kilos mong hindi ko magawang hindi isipin
Na mayroon ka sa aking lihim na pagtinginNasasaktan ako t'wing may kasama kang iba
Dahil buong akala ko'y, 'tayong dalawa'
Na hinihintay mo lang ang tamang oras
Pero hindi, may minamahal ka na palang ibaAng tagal bago ako nakawala, sa pantasyang maaaring maging tayong dalawa
At ng minsan nasabi mo na ikaw nga ay may pagtingin, sa akin?
Hindi, kundi sa kanya na iyong iniibigMasyadong nakakatawang isipin na para akong bola mo na iyong pinapaikot-ikot, habang kayo ay magkasama
Na hindi mo ako mabitiwan 'pag kasama mo siya
Kasi 'ball is life' nga hindi ba?
Pero nagawa mo, bumitiw ka nang naramdaman mo na siya na ang buhay mo,
Na kailangan sa kanya ka lamang nakatuonDoon pa lamang ako naliwanagan
Na lahat ng iyong mga salita ay para sa kanya, na hindi pala lahat ng atensyon mo ay sa akin
Masasabi ko ngang napikot mo ako
O sadyang naging maakala lang ako
Hindi ko naman alam na totoo pala ang sabi-sabi
Na kapag ikaw ay imiibig ikaw ay nabubulagAng dating akala ko'y kwento natin, iyon pala'y kwento niyo sa paningin ng lahat
Hindi ko nga alam kung kasama ba ang presensya ko sa istorya niyo
O masyado na nga siguro akong nabulag na kahit mga payo ay aking binabaliwalaNgayon alam ko na
Na sa ilang taong pananatili sa istorya mo
Na umaasang balang araw ako ang iyong kapiling doon
Nalimutan ko'ng isipin ang kahihinatnan ng aking istorya
Istorya na kahit kailan hindi ko man lang naisip na meron ako, dahil sa'yo ako nakatuon
Na nasulat ko ang istorya mo hanggang sa magkakilala kayo dahil ikaw lang ang nasa isip koSiguro oras na para bumukod
Gumawa ng sariling istorya na kung saan ako naman ang bida
Kung saan hindi ako iyong karakter na hindi nakikita kapag nasasaktan
Gumawa ng kwento na sa simula ng hanggang dulo ay istorya ko ang nakalahad
Na ang laman lamang ay istorya na walang nakasulat kundi ang akin
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
Teen FictionNaranasan mo na bang magising sa katotohanan? Iyong gising ka nga pero may mga bagay na hindi mo alam na hindi na pala dapat. Akala mo tama pa pero hindi na pala. Kailan mo ba malalaman kung tama ka?