Kasiyahan at Lungkot

34 0 0
                                    

Malamang nakakatawa ang isipin na magmahal para sa munting bata
Kung matanda naman ang tatanungin, sila ay mapapaluha
Kapag kabataan naman, hindi masagut-sagot kung ano nga ba ang pag-ibig
Bakit nga ba sinisisi si tadhana kung ganoon?

Masaya magmahal kung ikaw ay luhaan
Ano pa kaya kung ikaw ang mismong makatanggap ng pagmamahal,
Pagmamahal na galing sa taong iyong minamahal
Wala na ngang maswerte pa sayo kahit ang nanalo sa lotto

Malungkot ka malamang kung ikaw ay umiibig,
Sa taong hindi kayang ibalik o manukli ng kahit kusing na pag-ibig
Nakakalungkot man ang mga karanasan,
Tuloy padin kahit bigo ang pusong mapagmahal

Kung ika'y magmamahal, huwag pakatiwala
Kung masaya ka, huwag pakasigurado
Kung malungkot, hayaan na't lilipas din iyan
Masaya man o malungkot, basta nagmamahal, walang mali o tama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon