Balangaw sa lupa

186 5 0
                                    

(MV: ctto)

Sa bawat pagdilim ng nakalangitan may nagbabadya na pag-ulan.

Pumatak ang madaming butil sa lupa.
Kasabay ang tunog nang kampana.

Lumabas ka para hanapin sya.
Sa lakas na ulan hindi ka na nagpatila.

Mahigpit ang inyong kapit sa poste na nakatindig.
Dahil sa lakas ng hangin na parang kang tatangayin.

Humarang mong luha sa mata mo ito'y panira.
Bawat kurap mo'y hindi mo sya makita.

Nasaan na nga ba sya?
Tumakbo ka rito, tumakbo ka roon.

Ngunit wala ka't di talaga mahagilap.

Tumigil ka sa patakbo
Ang dahilan ika'y napasapo.

Saang dereksyon ang lalandasin? .
Sa kanan ba o Sa kaliwa?

Bawat buhos ng malakas na ulan ay di mo pa rin alintana.
Ang inyong mukha't labi ay nagsisimula ng manginig.
Dahil sa hatid ng hanging kay lamig.

Ang mga tuhod mong napadako sa lupa.
Basang-basa mong traje de boda.
Kumalat at nabura mong palamuti't kolorete sa inyong mukha.

Inalala mo ang noo'y dating nyong masiglang pagsasama.

Inalala mo ang noo'y dating nyong wagas na pagtitinginan.

Inalala mo nasa noon pa ay naging matibay ka't ipinaglaban ang Pag-Ibig na maraming salungat ngunit maraming nanindigan't walang takot na sumugal dahil ang Pag-Ibig na ito ang syang kanilang tunay na kaligayahan.

Napatagal na inyong paghihintay.
Sumilap na ang araw.
Huminto na ang ulan.

Ngunit ang pagtagas ng inyong luha ay hindi pa rin mapigilan.

Iniisip mong sana maghalo ka na parang bula.
Mahabang bugtong hininga ang pinakawalan.
































'Masakit makita ang isang tulad mo na lumuha. Pagtahan ko sayo sana'y mabisa. Mahal ko nagbalik ako. Oo't nasaktan ako pero sa nasaksihan kong lungkot sa mga mata mo nagkamali ako kaya't heto muling bumalik parang lang sayo. Hindi ko kayang mabuhay kung wala sa piling mo. Hindi man tayo ang perpektong tao o salungat man ang kung sinu-sino o kasalanan man ang lahat ng to, asahan mong kasama mo ako't lalaban tayo hanggang sa mapagtanto't matanggap nang may makikitid na utak ang relasyon na meron TAYO. Mahal ko ipinapangako ko na sa bawat pagtapos ng pag-ulan may Balangaw sa lupa na iyong masisilayan.'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Na-inspired lang ako. May napanood akong random les clips sa youtube so yun,  sobrang natuwa at napaiyak ako. Kaya kung anu-ano pumasok sa system ko. Haha

Pag nahanap ko ulit yun, sshare ko link. Haha

Wag kalimutan 'Vote' lang sapat na. 😘

#NoHateJustLove
- parangmusician



R A N D O M ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon