Jukebox Love (RG)

169 6 0
                                    

15 na taon ng lumipas.

Itong restobar na to nung 1st Highschool ako eh nandito na to. Nagdiditch pa kami ng class ng mga barkada ko at nagbibigay ng fake IDs makapasok lang kami eh.

Malaki na ang pinagbago ng restobar na ito.
Pero puntahan pa din ng karamihan. Meron kasing old Jukebox sila which is until now gumagana pa.

Naalala ko tuloy dito nagsimula ang lahat sa amin eh.

I entered.

Luis: Aiz!

Aiz: Hi! Luis. Good to see you.

Luis: Ako din! Kamusta ka na? Wow mukhang bigtime ka na ha.

Aiz: Na-bless lang. Ikaw mukhang sayo na tong restobar ito ha.

Eto si Luis nung college ako sya yung isa sa mga Barista/Bartender na kakausap ko.

Luis: Humble as always ah. Hindi naman totally, nakipagpartnership ako sa may-ari.

Aiz: Wow talaga. Naks ikaw pala tong bigtime eh. So tinuloy mo di pala yung course mo at ang pangliligaw mo kay Ms. Sungit

Luis: Oo! Haha ikaw talaga, masungit pa din ang tingin mo kay Trina...Ay teka ano pala gusto mo, my treat.

Aiz: Haha joke lang yun no. Nako wag na ako na no. Nakakahiya naman.

Luis: Sus ngayon ka pa nahiya.

Aiz: Alright I'll have cocktail. So For how long nakayo?

Sinimulan nyang gawin yung drink ko.

Luis: 3 years na kami. Isang taon ko rin syang niligawan no well actually yung tatay nya yun medyo niligawan ko. Alam mo naman. Hahaha Oh here.

Inabot nya sa akin yung ginawa nyang drink ko. I sip and good as before panalo pa rin ang mga pasimpleng cocktail na sineserve nya.

Aiz: Wow magaling ka talagang bartender eh. Hahaha nakukuha mo panlasa ng tao. Ultimong si Mr. Garcia napalambot mo.

Luis: Hahaha Charm lang Aiz, ang charm ko. Hahaha

Aiz: Kapal mo Luis. Hahaha

Natawa lang kami sa lakas ng confidence nya.

Tumunog ang rupikal at ang hangin sa labas ay naramdaman ko sa akin balat. Ibig sabibin may taong pumasok.

Napatigil si Luis sa pagtawa at nagbigay atensyon sa taong kakapasok lamang.

Aiz: Hey! Something wrong?

Tumingin lang sya sa akin at ngumuso doon sa taong kakapasok lang. Napapihit naman ako ng direksyon. Ngunit nakaside view yung taong yun sa may Jukebox at may dala itong kamera.

Then music plays.
*Wicked games [Chris Isaak]*

... Tindig nya, ang pakonting kulot sa dulo ng buhok nya, ang mga pilantik ng kamay nya... partida hindi pa sya nakaharap.

Umikot na sya ng direksyon ng ulo nya at...

Ang mga wangis ng mukha nya talagang napakaganda. Mula sa chestnut brown na kulay ng mata nya hanggang sa pinkish-red na mga labi.

Bahagyang nagulat sya pero I managed to smile at her. At sya rin sa akin.

R A N D O M ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon