Sa pagitan ng "Ikaw" at "Ako" ay may malaking espasyo
Espasyo na magpapatunay na imposibleng maging tayo
Kasi kahit ikaw ang gusto ko, iba pa rin naman ang gusto moNaging close tayo, ikaw yung laging dahilan kung bakit ako nag o-online,
Pinapatawa mo ko sa simpleng kwento mo, kinikilig ako sa simpleng goodnight mula sayo.Kasi nga gusto kita, simple lang diba?
Pero ang hirap sabihin, kasi natatakot ako
Ayokong lumayo ka, ayokong mawala ka
Kaya... Mabuti ng ilihim, at wag na lang aminin.Pero nakakasawa pala?
Nakakasawang maging kaibigan mo lang
Nakakasawang hanggang dito na lang
Nakakasawa kasi alam kong wala talagaHanggang sa dumating yung araw na biglang may nag bago
Yung dating Ikaw at Ako, unti-unti ng nag laho
Wala na ngang TAYO
Nawala ka pa bilang kaibigan ko.Hindi tayo naging close sa personal
Hindi tayo madalas mag usap ng harapan
Kumbaga sa messenger, pang secret conversation lang ako
Ang sakit pala, miski pagkakaibigan natin wala man lang naka-alam.Tapos yung mas masakit?
Yung makita kong tumatawa ka, nakangiti ka
In short? Masaya ka
Pero hindi ako yung dahilan Kaya pala nagbago ka na, may bago ka na palang kaibigan.Pasensya na ha? Ako naman talaga yung tanga
Ako naman talaga yung umasa na sana, na baka...
Pwede, pwedeng maghalo ang "Ikaw at Ako"
Na pwedeng mabuo ang salitang TAYO
At maaring mabura ang napakalaking espasyo
Na ikaw mismo ang bumuo.Paalam na.
Ikaw na nagbasa, pwede bang pakisabi sa kanya?
Takot pa rin kasi akong aminin ang nadarama
Kaya sa pamamagitan ng pagsulat na lang,
Baka sakaling mabasa nya, baka sakaling may pagasa pa.