Chapter 6

0 0 0
                                    

🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari nung birthday ni Vincent. At tulat nga ng sinabi niya. Hindi niya na ako pinapakialaman at kahit na nakikita niya kami ni Jon na magkasama. Ang ikinagalit ko lang sa sarili ko ay,dahil bumalik nanaman si Vincent sa old routines niya. Bumalik yung dati niyang ugali.

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa canteen, hinahanap ko si Vincent kasi isasauli ko yung damit na hiniram ko sa maid nila. Nakita ko naman siya kasama yung mga bago niyang tropa.

"Ahm, excuse me. Vincent ibabalik ko lang sana 'tong damit na hiniram ko." Sabi ko saka ipinatong sa mesa nila yung damit.

"Oyy!! Kita mo naman oh! Hindi mo na sana sinauli pa, hindi na tatanggapin yan ni Chelsa dahil nasuot na yan ng pokpok! Haha!" Sigaw niya rason para mapatingin sakin lahat ng tao dito sa canteen.

"Vincent ano ba?! Hindi ako pokpok!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Talaga lang ah?! Pagkatapos mo sakin kay Jon naman! Guys! Look diba mukha siyang POKPOK!!" Sigaw niya sa mga taong nasa canteen. Pinagbubulungan na ako ng mga tao dito. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Nagulat ako ng may isang estudyanteng nagbato sakin ng itlog na hilaw. Hanggang sa sunod-sunod na silang nagbabato ng kung ano-ano sakin. Sila Vincent naman pinagtatawanan lang ako. Napakasama talaga niya, sinasabi ko na nga ba eh! Pagkukunwari lang lahat ng mga ginagawa niya kapag kasama ako.

Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak nalang. Jon, sana puntahan mo ko dito sa canteen kailangan kita.

"Sydney! Ano ba?! Itigil niyo na yan!" Nagulat ako sa sumigaw. Jon, maraming salamat at dumating ka.

"Sydney, halika na. Umalis na tayo dito." Pagtatanggol sakin ni Jon saka inilabas ako ng canteen.

"Ano bang nangyari?" Nagaalalang tanong niya.

"Sinauli ko lang naman yung damit ni Chelsa yung kasambahay nila Vincent, bigala niya nalang isinagaw sa buong canteen na pokpok ako. Ayun, binato ako nung isang studyante ng itlog hanggang sa sunod-sunod na sila."

"Tarantado talag yang Vincent na yan eh!!" Galit na sigaw ni Jon. Pero pinigilan ko siya kasi alam kong susugod siya kay Vincent.

"Tama na Jon. Okey lang ako kasalanan ko rin naman eh." Pagawat ko sa kanya.

"Pero Sydney hindi parin tama." Ani niya. Buti pa si Jon totoo yung ginagawa niya. Hindi tulad ni Vincent. Mabuti nalang talaga hindi ako nahulog kay Vincent, kasi hindi ko siya worth it.
Sinabihan ako ni Jon na umuwe nalang at hindi ja ituloy ang class ko pero hindi ako umuwe, kailangan kong ipagpatuliy ang pagpasok ko sa university no matter what.

Dalawa nalang naman ang subject na natitira sa schedule ko kaya napa-aga ang uwian ko.

Kinabukasan..

Pagpasok ko ng University, puro masasamang titig ang nakita ko. Lahat sila nasa akin ang atensyon. Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso ako ng room at mas malala ang naabutan ko.

SYDNEY MALANDI POKPOK! PAKARAT!

SYDNEY POKPOK!! IPAALIS SA UNIVERSITY!

'Yan ang nakita kong nakasulat sa board hindi ko mapigilang umiyak. Lahat sila masama ang tingin sa akin. Alam kong may nagpakana lahat nito.

Lumingon ako sa may pinto at nakita ko si Vincent kasama ang mga bago niya alagad na nakangisi. Tumakbo ako palabas, hindi ko na kinayanan pa na mag-stay sa loob.

Highschool Book LoveWhere stories live. Discover now