Chapter 2

0 0 0
                                    

🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸

Patagal ng patagal nag-eenjoy akong kausap si, AY!! Teka ano nga ba ulit pangalan nitong kausap ko?

"Teka ano ulit pangalan mo?" Tanong ko sa lalaking nag-bigay ng tinapay at softdrinks sakin.

"Ako si Jon, ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya sakin. Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala sa kanya.

"Ako si Sydney. Salamat ulit ah, haha saya mo palang kausap noh." Sabi ko sa kanya.

"Siyempre ako pa ba? Teka matanong ko lang ah, ba't ka umiiyak kanina?" Tanong niya sakin, sasabihin ko ba? Wag nalang siguro.

"Ah, yun ba? Ano kasi eh, bumagsak grade ko eh, kaya naiyak ako kanina ng lubos, kasi naman baka mawalan ako ng scholarship." Pagsisinungaling ko.

"Ay, mahirap yan pero alam ko na kakayanin mo yan." Pagpapalakas niya sa loob ko.

"Sana nga." Sagot ko at bumuntong hininga.

"Halika para mawala yang stress at problema mo laro muna tayo." Aya niya tsaka hinila ako papunta sa mga bata.

"Teka lang Jon! Naka-uniform kasi ako eh." Tanggi ko.

"Hindi yan! Tara na sali na tayo sa mga bata." Tumakbo na siya sa mga bata. Sumunid narin ako.

Nakakatuwa, kasi unti-unting nawawala yung problema ko. Naglaro kami ng habulan kasama ang mga bata. Sakto si Jon ang taya, tumingin siya sakin alam kong ako ang hahabulin niya kaya napatili ako, hinahabol niya na ako.

"Ayiiee!! Sila kuya at ate naghahabulan!" Panunukso ng mga bata samin ni Jon. Hindi ko namanlayan na may bato pala kaya nadama ako at tinawanan lang ako ni Jon.

"Grabe ah!! Hahaha ang lampa mo!" Tawang-tawa niyang sambit.

"Leshe ka! Tulungan mo kaya akong tumayo! Hala nagsugat, huhu." Naluluhang sabi ko kay Jon.

"Halika dito ka muna, magpahinga ka muna." Aya Niya at pinaupo ako sa may bangkuan. Medyo padilim na kaya medyo nakaramdam na rin ako ng antok.

"Sydney, ipatong mo nalang dito ang ulo mo sa balikat ko alam kong inaantok ka." Sabi ni Jon at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Salamat Jon ah, napaka-bait mo." Sabi ko at tumingala para makita siya. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata.

Nagulat ako nung nakita ko yung kotse ni Vincent. Pinark niya yun sa gitna ng kalsada at binaba kami ni Jon. Nabigla ako ng hinatak niya ako palayo kay Jon.

"Ayaw ko sumama sa'yo!" Sigaw ko kay Vincent.

"Akin ka lang Sydney, tandaan mo yan!" Galit at nag-gagalaiting sigaw niya at sinampal ako.

"Aray! Nasasaktan ako!!" Sigaw ko sa kanya.

" Sino 'to?! Lalaki mo?! Hindi ka pa talaga nakuntento?!" Galit na galit na sigaw niya.

"Tama na Vincent!" Sigaw ko. Kumuha naman siya ng baril at tinutok kay Jon.

"Sydney, Sydney!"

"Wag!!" Bigla akong napatayo. Hooh! Panaginip lang pala.

"Sydney nananaginip ka ata ng masa, sobra ka kasing napagod." Sambit ni Jon saka inalalayan akong makaupo.

Napatitig nalang ako kay Jon, kinakabahan ako kahit na panaginip lang yun, kinakabahan parin ako para sa kanya. Kayang gawin ni Vincent ang lahat.

"Sydney? Okey ka lang ba?" Tanong ni Jon.

Highschool Book LoveWhere stories live. Discover now