Chapter 3

0 0 0
                                    

🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸*🌸

After 3 months..

Nakagraduate kami ni Vincent with honorable mention. Ako valedictorian at siya naman ay salutatorian,  si Maria naman, ayun academics ang nakuha. Ang buong akala ko dahil graduated na ako at collagr na kami wala na masyadong pagsubok pero lalong lumala. Kumonti ang mga nag-ssponsor sa akin sa pag-aaral dahil nangibang bansa na ang iba sa kanila, kaya hirap akong pumili ng course na itatake ko.

"Sydney, anong course kukunin mo? Ako medicine." Sambit ni Vincent. Hanggang ngayon kami parin ang magkakasama.

"Engineering nalang kukunin ko. Yun.lang ang sa tingin ko ang kaya ko." Nakatulala kong sagot.

Nandito kami ngayon sa University na papasukan namin, mag-tatake ako ng exam para sa new scholarship.

"Okey ka lang ba? Ba't ang tamlay mo?" Nag-aalalang tanong ni Vincent.

"Wala naman kinakabahan lang ako." Sagot ko at tumingin sa kanya.

"Kaya mo yan, naniniwala ako sa kakayahan mo." Nakangiting tugon niya. Pinapalakas niya ang loob ko.

Malalki na talaga ang nag-bago kay Vincent. Tinawag na kaming lahat na mag-tatake ng exam at iniwan ko na si Vincent sa labas. Nagsimula na ang exam. Madali ko naman iyon natapos dahil napag-aralan ko na iyon lahat. Lalabas na sana ako nang may lalaki akong nabunggo.

"Sorry po." Sabi ko at yumuko.

"Sydney? Sydney, ikaw ba yan?" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako.

"Jon?!" Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Nakita ko si Jon, ang laki na nang nagbago sa kanya, lalo siyang gumwapo.

"Sydney, dito ka rin mag-aaral?" Di makapaniwalang tanong ni Jon.

"O-oo d-dito nga nag-take a-ako ng exam. Ikaw anong g-ginagawa mo dito?" Utal na sagot ko. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Ah, ako rin eh. Small world nga naman! Haha!" Sabi niya tsaka tumawa. Ganun parin siya palatawa. Naaalala ko nanaman yung mga nangyari dati.

"Ah, Jon sige alis na ako baka hinahanap na ako ni Vincent. Nice to see you ulit." Paalam ko saka tumakbo na palabas ng room. Umiiwas ako sa gulo, sorry Jon.

"Kumusta exam mo?" Nakangiting salubong sa akin ni Vincent.

"Okey naman, napadali kasi napag-aralan na natin yung iba dun eh." Nakangiti kong tugon. Ilang pa ako masyado kay Vincent. Di Ako sanay na malambing siya palagi.

"Tara uwe na tayo." Sabi niya at inakay ako papunta sa kotse niya. Next week na ang pasok namin. Kaya sigurado akong nakakapanibago, lalong-lalo na't University na iyon.

Umuwe na kami ni Vincent at hinatid niya rin ako sa bahay.

"Sydney, malapit na ang birthday ko,gusto ko kasama kita sa araw na 'yon." Sabi ni Vincent bago tuluyang umalis.

Araw ng Pasukan...

Ngayon na ang first day namin ni Vincent sa University at ngayon ko rin malalaman ang result ng exam ko.

"Sydney tara na?" Anong ni Vincent nasa harap na kami ng gate ng University.

"Tara na." Sagot ko at tumingin sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Pilit kong inaalis pero hinihigpitan niya

Highschool Book LoveWhere stories live. Discover now