Prologue

155 28 77
                                    

Warning: I don't promote violence. Read at your own risk.



Christian POV

"Makinig kayo! Malapit na ang wakas ng mundo! Tayo ay magsisi at tumanggap sa ating poong maykapal! " sigaw ng babaeng nakatayo sa gitna ng kalsada. Kanina niya pa ito sinasabi at nagmumukha na itong baliw.

"Ikaw! Makasalanan ka! Magsisisi ka!" biglang halbot nito sa akin at bigla ako nitong hinampas sa may braso.

" Lumayo ka nga sa'kin! Baliw!" bigla ko itong tinulak ng malakas upang mapaupo ito sa kalsada.
Binigyan ko ito ng mapanuyang ngiti. Agad naman kaming pinagtinginan ng mga tao kaya iniwan ko ito agad.

Pathetic christians , wala silang alam gawin.  Puro yan na lamang ang iniisip nila. Sino ba ang tinatakot nila? Mga sarili lang nila. Mga inutil. Ang bobo nila para maniwala sa Diyos!

"Christian! Anak! Halika na at magsimba na tayo! Baka mahuli tayo niyan! " pukaw sa akin ng aking nanay na nasa harap na ng simbahan.

Ang pinakaayaw  ko sa lahat ay ang magsimba  dahil hindi naman ako naniniwala na may Diyos. Dahil sa tagal-tagal na nabuhay ako dito sa mundo ay puro paghihirap lamang ang naranasan ko. Mga baliw lang ang naniniwala dito. Naniniwala ako na ang mundo ay gawa din ng isang tao.

Dahil sa alam ng aking nanay na isa akong mabait na bata ay kailangan ko siyang samahan tuwing nagsisimba ito , bulag ang aking nanay at kailangan nito ng makakasama tuwing lumalabas ito.

Pagkapasok namin ng simbahan ay magsisimula na ang misa. Daan-daang tao ang nagsisimba tuwing linggo sa simbahan na ito. Naghanap agad ako ng bakanteng upuan para sa amin ni ina buti nalang ay swerte ako at nakahanap agad kami.


Kalagitnaan na ng homily at sobrang inaantok na ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapahikab ng malakas. Walang kwenta ang sinasabi ng pari na yan! Bible? Gawa lang iyan ng tao!


"Christian , anak wag mo namang ipahalatang inaantok ka. Magpakita ka naman ng respeto. Nasa simbahan tayo. " sabi naman ni nanay at kinurot ako sa aking tagiliran.


"Aray naman nay! Sa ang boring talaga dito. Saka chris nalang ang  itawag mo sa akin nay. Ayoko ng pangalang Christian. " reklamo  ko naman kay nanay. Di ko mapigilang mapa-aray dahil sa kurot nito , napatingin tuloy sa akin ang katabi ko at sinamaan ako ng tingin. Kunwari-kunwarian pa itong katabi ko na  seryosong nagsisimba, eh kanina lang ay halos di matanggal ang atensyon nito sa cellphone nito kakatext. Mga kristiyano nga naman mapagpanggap!


Dahil sa sobra akong inaantok ay  nilibot ko na lamang ang paningin ko sa paligid at naghanap ng pagkakaabalahan. Napukaw ng aking atensyon ang dalawang magkasintahan sa may bandang likod ng simbahan. Pasimple ang mga ito para hindi mapansin ng ibang tao pero di sila makakatakas sa mapanuring mga mata ko. Akala nila ha.

Nakikita ko ang lalaki na pasimpleng hinihimas ang  legs noong babae na halos umaabot na sa loob ng palda nito.  Dahil sa maikli ang palda  ng babae ay halos kita na ang kaluluwa nito. Paano ba ito nakapasok dito sa loob ng simbahan?  Nako , iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Kung dati ay halos sa edad na sampung taong gulang ay ignorante kami sa ganitong bagay pero ibahin mo ang kabataan ngayon. Ibang- iba na talaga.

Napatigil ang pagtitig ko sa dalawang magkasintahan ng biglang may pumasok na mga lalaking nakamaskarang puti at may mga dalang baril. Nakakakilabot ang mga itsura nila dahil ang maskara nila ay pareho sa pumapatay doon sa pelikulang Scream.

Napakabilis ng mga pangyayari. Binaril ng isang lalaki ang pari at ang kasama nitong sakristan. Nagulat ang mga tao at biglang nagsitakbuhan ang ilan, ngunit isa-isang binaril ang mga tumakbo kaya natigilan ang iilang tao at natakot sila ng husto.

Bigla namang pumunta sa harap ang isang lalaking may malaking katawan at parang ito  ang leader ng grupo nila.
" Sino dito ang mga naniniwala sa langit at Diyos?" biglang tanong ng lalaki sa amin.


Marami ang nagtaas ng kamay kahit na halatang natatakot na din sila at halata sa lalaki na sobrang nagalit ito dahil sa mga paniniwala ng mga tao dito.
Ano pa ba ang magagawa niya eh nasa simbahan siya. Bobo!

"Mga inutil! Naniniwala kayo pero bakit andito pa din kayo? Hahaha. Mapagpanggap! " makahulugang sabi nito at bigla itong tumawa ng nakakaloko.

"Patayin niyo ang mga lalaki! Wag kayong magtitira!  Sa mga babae naman , gawin niyo silang mga alipin! Hahaha " biglang utos ng lalaki sa mga tauhan nito at bigla na lamang nagpaputok ang mga armadong lalaki.

Bigla namam akong nataranta dahil sa sunod-sunod na putok ng mga baril. Hinanap ko agad si nanay para makatakas kami pero wala na ito sa tabi ko, nanlumo ako dahil hindi ko na ito mahanap. Nasaan na ba si nanay?

Lalo akong natakot ng makita ko ang mga bangkay ng mga lalaki sa paligid na duguan at wala ng buhay. Di ko naman masikmura ang mga ginagawa ng ibang armadong lalaki sa mga kababaihan dito, pinagsasamantalahan nila ang mga ito. Mga halimaw sila. Mga walang awa .

"Shit. Natamaan ata ako." Bigla na lamang akong nanghina ng makadama ako ng sakit sa bandang tagiliran ko. Kinapa ko ito at nakita kong punong-puno ng dugo ang kamay ko pati na ang damit ko na naging kulay pula na dahil sa dugong umaagos sa sugat ko. Ito na marahil ang katapusan ko at wala man lang akong nagawa para protektahan si nanay.


"Paalam Nay. " at tuluyang nagdilim ang paningin ko kasabay ng pagusbong ng  takot at panghihinayang sa puso ko.

******************

P.S  I am not an atheist.  😊

TRIBULATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon