2: Bloody Moon

58 14 19
                                    



IT IS COMING LIKE A THIEF. ARE YOU READY?


Celestine POV

Isang malakas na sigaw ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagka-katulog.

"Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan! Malapit na siyang dumating! Magsisi na kayo! " sigaw ng babae sa labas ng bahay namin. Halos araw-araw ay nakaugalian na ni Manang Elsa ang sumigaw sa labas ng kalsada at lagi kaming pina-aalalahanan na malapit na magunaw ang mundo. Malapit din kasi sa simbahan ang aming mga tirahan kaya siguro dito niya na din napili na magpa-alala sa mga tao, pero deadma lang ang mga ito sa sinasabi niya. Nagmumukha lang itong baliw sa gitna ng kalsada.

I just shrugged my shoulders at bumangon na lamang ako sa kama ko. Hindi ako naniniwala na malapit ng magunaw ang mundo. Sa loob ng ilang libong taon andito pa din naman tayo kaya naiisip ko na impossible itong mangyari. Sayang lamang ang oras na ginugugol ni Manang Elsa sa pagsigaw-sigaw nito sa kalsada.

"On April 18, 2022 the moon becomes red again because of the Blood Moon Phenomenon... " pagbaba ko sa hagdan ay naabutan kong seryosong nanonood ng balita sila mama, si kuya Jasper at ang aking dalawang nakababatang kapatid.


"Ma, ano yang pinapanuod niyo nila kuya? "  I heard the word Blood Moon but I am not aware kung ano ba ito.


" Magkakaroon daw ng Blue Blood  moon ngayon anak. Malapit na talaga dumating ang ating Panginoon. " My mom stated in a hoarse voice. Bakit ba parang siguradong-sigurado ito sa sinabi nito. Things like this are just conspiracies or theories na wala namang sapat na basehan.

" Ano ka ba ma, impossible yang sinasabi niyo matagal pa mangyayari yan. " I said to my mom in a dismissing tone. Never akong maniniwala na mangyayari yan lalo na ngayong panahon na'to. Mag uumpisa palang ang buhay ko bilang isang scholar sa isang medical university tapos sasabihin nalang nila bigla na magugunaw ang mundo? Nasaan ang hustisya?


"Celestine! Halika  na dito sa hapag at mag-almusal na tayo! Jasper at Nicole sumunod na din kayo, tama na yang panunuod!" tawag ni mama sa'min at kinarga si Maki papuntang dining area. Lumapit din naman agad ako sa aming hapag kainan para makapagalmusal na. Sabay-sabay kami laging kumain magpapamilya simula ng mawala ang tatay ko sa barkong sinasakyan nito habang naglalayag patungong Amerika. I guess that incident made our family ties stronger. Napilitin ang kuya ko na magtrabaho at tumigil sa pag-aaral. My mom even accepted sideline  jobs para matustusan ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Sobrang laki kasi ng tiwala nila sakin na ako ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan dahil sa taglay ko na talino.

Our small dining area are filled with the savoury smell of tuyo and fried rice! Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. I smiled contently. Even though we have simple meals like this, I am so happy that I have a supportive mom and siblings!

Katatapos lang namin kumain nang may kumatok sa aming pintuan. "Celestine pakibuksan nga ng pinto!" sigaw ni mama galing kusina dahil ito ay nagliligpit ng mga pinagkainan namin kanina. Ako naman ay nasa salas at nag-alaaga ng dalawang bunso kong kapatid.

"Maki wait lang ha, buksan lang ni ate yung pintuan," sabi ko sa aming bunso dahil buhat-buhat ko ito at gusto nito makipaglaro sa'kin. Si Nicole naman ay kinikiliti ang munting  paa ni Maki at inaasar ito.

TRIBULATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon