Celestine POVBiglang nagsitakbuhan ang mga tao dahil sa pagpapaputok ng mga lalaki na hindi namin alam kung saan nanggaling! Sila ay nakasuot ng mga maskara na kulay puti! Pinanindigan ako ng balahibo at nabalutan ako ng takot dahil sa mga ito!
"Pre! Tingnan mo ang isang yon oh! Ang sexy at ang puti! Jackpot tayo diyan!" Narinig ko na sabi ng isang armadong lalaki at nakita ko na tinuturo ako nito sa kasama nito.
Bigla akong napatakbo dahil balak akong habulin ng mga ito. Bigla akong naging aware sa paligid ko. Nagulantang ako sa mga nangyayari. Ang mga lalaki ay nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo! Pinagbabaril sila ng mga armadong lalaki! Ang mga babae naman ay nilalapastangan ng mga ito! Hindi! Ayokong matulad sa kanila!
"Ma! Maki! Nicole! Kuya Jasper! Nasaan ba kayo?! Tulungan niyo ako!" Tawag ko sa mga ito habang tumatakbo ako ng mabilis. Hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa mga nangyayari. Di ko alam ang gagawin ko.
"Huli ka!" Ngisi sakin ng lalaking humahabol sakin. Hindi ko namalayan ay naabutan na ako nito. Hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod at halo-halong emosyon.
"Pre! Tara na! Jackpot na jackpot tayo dito! Tingnan mo naman ang kinis at ang ganda ng isang ito!" Sabi nong lalaki sa kasama niya. Napakamanyankis ng mga lalaking to!
"Wag niyo akong hawakan!" galit na sigaw ko sa mga ito.
"Sa'min ka na miss sexy! Hahahaha'" nakakalokong tawa nito sakin. Hinigpitan nito ang hawak sakin at hinubaran naman ako ng kasama nito. Unti-unti nitong natanggal ang saplot sa katawan ko. Hanggang sa hubot hubad nalang ako.
Inumpisahan nila akong halikan at hawakan sa maseselang bahagi ng katawan ko! Kaya nagpamiglas ako sa mga ito! Hindi ko masikmura ang ginagawa ng mga ito. Mga walang kaluluwa at halang lang ang sikmura ang makakagawa ng ganito bagay.
"Wag kang makulit miss! Wala ka ng magagawa habang buhay ka namin magiging parausan hanggang magsawa kami sayo." sabi nito sa'kin at sinuntok ako sa may mukha at sikmura dahilan na mawalan ako ng malay...
***************************
"Celestine! Anak! Bumangon ka na! Magsisimba na tayo maya-maya!" nagising ako sa kalabog at sigaw ni Mama sa labas ng pintuan ko.
"Opa Ma! Susunod na po ako sa baba! Magaayos lang ako!" sagot ko naman dito. Bigla akong nakahinga ng maluwag at napagtanto na panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip.
Agad-agad naman akong pumunta ng palikuran upang makapagayos na, para masamahan si mama sa simbahan. Kakatapos ko lang maligo ng mapansin ko ang papel sa lamesa ko. Napagtanto ko din na wala si Angel kanina paggising ko. Agad kong dinampot ang papel at binasa ang nakasulat dito.
Dearest Tine,
I am sorry I have to run away. I have my own reasons why I chose to leave. It is for my own safety! I want to leave with you but I know you can't because of your family. Please refused getting the vaccine and the electronic chip! Trust me Tine!
Angel
Nanlumo naman ako nang mabasa ko ang sulat ni Gel. Hindi ko pa din maintindihan bakit ito nagkakaganito. Ang lagi lang nitong sinasabi sakin ay huwag magpavaccine at wag magtiwala sa gobyerno. Hindi ko tuloy alam kung papaniwalaan ko ito dahil sa palagay ko ay nababaliw na ito. I have to remind myself later na hanapin ito sa bahay nila mamaya.
"Anak! Tara na! Baka malate tayo niyan sa simbahan! Marami pa namang tao ngayon!" Bumalik ako sa aking huwisyo dahil sa tawag ni Mama. Dali-dali naman akong nagbihis at nagayos ng sarili upang hindi kami malate magsimba.
"Ma, kelan nga ulit yong vaccination program ng gobyerno? Compulsory ba to?" tanong ko naman kay mama habang naglalakad kami papuntang simbahan, para mawala naman ang mga iniisip ko. Ang sulat ni Get at ang masamang panaginip ko.
"Ngayong araw yan Nak, magbabahay-bahay daw ang barangay mamaya. Ang sabi din ng munisipyo ay ang electronic chip na ilalagay sa ating mga kamay ay ang magiging identification card natin pag bibili tayo ng pagkain or mga gamot." paliwanag naman ni mama sakin. So they are really promoting e-money. Mas mabilis kasi ang magiging transactions ng mga tao if everyone are using e-money.
"Ma, bakit pala hindi natin kasama si Kuya Jasper?" tanong ko ulit dito. Nagtaka din kasi ako na hindi din namin siya kasabay mag-umagahan kanina. Ngayon lamang ito pumalya na samahan si mama sa pagsisimba.
"Nako anak, ang batang iyon ay nagiging malihim na, maaga ako nagising kanina para magluto ng almusal at nakita ko silang magkausap ni Angel sa may salas at magkasama na lumabas ng bahay. Sa palagay ko ay may tinatagong relasyon ang dalawang iyon." sagot naman nito sa akin
Bigla naman napukaw ang atensyon ko ng may isang lalaki naman sa kalayuan ang nakita kong nanulak kay Manang Elsa sa harap ng simbahan. Nang mapaupo si Manang elsa ay nakipagusyoso ang mga tao dito. Mga tsismosa! Hindi man lang tulungan ang kawawang matanda. Dahil nakaramdam ako ng awa dito ay patakbo akong lumapit dito upang ito ay tulungan.
"Ayos lang ho ba kayo?" tanong ko naman kay Manang Elsa pagkatapos ko itong tulungan na makatayo. Mabuti nalang at umalis din agad yong lalaki na nanakit dito. Masyado itong walang modo.
"Ok lang ako anak. Maraming Salamat." ngumiti ito sa'kin habang nagpapagpag ng mga buhagin sa damit nito na kupas na. Nakita ko din na may mga gasgas ang matanda sa siko nito at sa mukha. Kawawa naman ito. Alam kong parang baliw na nga si Manang Elsa pero tao din ito na dapat natin respetuhin.
"Ate Tine! Halika na daw sabi ni Mama! Maguumpisa na ang misa!" biglang sigaw sa akin ng dalawa kong nakababatang kapatid. Nauna na pala sila sa simbahan. Nang paalis nako ay bigla akong pinigilan ni Manang Elsa. Hinawakan ako nito sa kamay at naramdaman ko na biglang lumakas ang hangin dahil sa pagdampi nito sa aking balat.
"Mabuti kang tao, mag-iingat ka anak. Huwag mong kalimutan ang manampalataya at magtiwala sa Diyos." buong pusong paaala nito sa akin at nagsimula ulit itong sumigaw upang magpapaalala sa mga tao na malapit ng bumalik ang Diyos upang iligtas ang mga taong nanampalataya lamang sa kanya.
**************************
BINABASA MO ANG
TRIBULATION
Mystery / ThrillerAyon sa Christian eschatolagy ay maaring magwakas ang ating mundo sa pamamagitan ng Great Tribulation. Sa isang panghinaharap na pananaw ang tribulation ay ang pitong taong puno ng paghihirap, sakit, walang hanggang kamatayan at pagluluksa. Ilang...