Misa de Gallo sa tuwing pasko nagdarasal ang bawat tao at nagpapasalamat sa pagsilang ng Diyos na hari ng mundo....
"I never imagined i would fall inlove with you, it's not in my plans after all. I'm sorry.."
"You never told me anyway, ang akala ko kasi ni minsan hindi mo ko minahal.. kaya ganito ang nangyari sakin I become like this.."
It all happened inside the church. Simbang Gabi.
And all along ang alam ng lahat simbang gabi ang mass na may kinalaman lahat sa pagsilang kay Lord Jesus Christ. Pero ang iba ay nagdedate lang sa labas ng simbahan. Simbang Tabi kung tawagin.
I'm Rennice, 19 years old, Catholic, Student. At syempre mapagmahal na Anak ng Diyos. Minsan naisip ko nalang mag-madre. Tutal wala naman akong hilig sa mga boys at lalong wala akong balak mag-boyfriend or mag-kaasawa. Walang wala lahat yan sa isip ko. Alam ko na hinding-hindi ako maiinlove sa kahit sino pang lalaki dyan. I just wanted to serve the church. 'Yun ang akala ko.
I have a bestfriend named Jeremy, 22 years old, pero di na kami nagkikita simula ng pumasok siya sa semenaryo. Magpapari daw ang bestfriend ko. Dati hindi ko halata sa kanya na magpapari siya dahil napaka-pilyo niyang taong yan! pero mali pala ako. Si Jeremy yung tipo ng lalaki na kahit anong pagpapacute ng babae ay hindi niya pinapansin. Biro lang niya dati na magpapari siya. Pero tinotoo pala niya.
I miss my bestfriend, it's been 4 years since nung huli kaming magkita. Tandang-tanda ko pa kung paano namin i-celebrate ang birthday niya dati. Kaming dalawa lang. Manunuod ng sine. Kakain sa labas. Practical lang kumbaga.
December 03, 2009- In Jeremy's house.
"Best! I miss you! Mwuah!!!" pagkakita ko pa lang kay Jeremy niyakap ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi. Gumanti naman siya ng yakap at halik sakin. "i have something to tell you," sabi niya saakin sa malungkot na mukha at boses. "Oh? anlungkot mo naman ata? what is it best?" tanong ko sa kanya ng nakangiti. "I'll be leaving." sagot niya sa tanong ko. "What? san ka pupunta anong meron? bakit ka aalis? anong nangyayari?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Magpapari ako. I'll be living at the seminary now." sagot niya sakin habang umiiyak. "You can't just do that! alam mo naman na nagbibiro lang ako noon when i told you na magpari ka nalang yung ayaw mo din pala sa babae! It's just a joke please wag mo naman totohanin!" umiiyak na halos pasigaw na sabi ko. "It's not about what you said, i have my own reasons. i'm sorry kung hindi ko matutupad ang promise ko sayo. i can't be on your side forever best.. But remember this: I love you no matter what saka ilang taon lang naman yun. bestfriends pa din naman tayo eh walang magbabago pangako." sabi niya sakin sabay niya akong yinapos at hinalikan sa noo. Pagkatapos, binitbit na niya yung bag niya at lumabas na ng bahay niya. Habang ako sinusundan ko lang siya ng tingin habang umiiyak...
Present- At the Church
Naalala ko na naman ang nangyari samin bago umalis si Jeremy yung halos isumpa ko siya sa galit ko sa kanya dahil di niya tinupad yung pangako niya. yung pangako na hinding hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. Kunsabagay, sandali lang naman siyang magaaral sa semenaryo. ano nga naman ba yung sampung taon? ang bilis di ba? naalala ko pa nung halos isang taon din akong parang namatayan..
"Renn, wala na yun, 4 years ago pa yun focus ka sa present at sa muli ninyong pagkikita" Bulong ko sa sarili ko. Dire-diretso na akong naglakad papunta sa loob ng simbahan pero di pa ako nakakapasok may mga lalaking nagtatakbuhan at saktong nabangga nila ako. Halos mapahiga ako sa lakas ng pagkakabundol nila sakin. "Miss sorry ha may hinahabol lang kasi kami!" sigaw ng isa sa mga lalaki. Tumango nalang ako. Nasa simbahan ako kaya di ako pwedeng magtaray. Ang buong akala ko kaya ko ng tumayo mag isa. Pagkatayo ko bigla ulit akong bumagsak sa sakit ng paa ko nang tignan ko kung anung meron sa paa ko at hindi ako makatayo, may sugat ang paa ko mahaba ito dahil sa bubog na nadaganan ko, Oh My! andaming dugo. at na sprain pa ata ang ankle ko. na-Twist ko ata. Ayoko naman mag eskandalo sa simbahan kaya pinipilit ko ang sarili ko na tumayo. "Miss!!! anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki na lumapit sakin at hinwakan ang paa ko, nakaputi siyang parang barong at naka black na slacks. "yeah okay lang ako saka konting dugo lang naman yan. I Can still stand up." sagot ko ng di tinitignan ang mukha niya at pinilit kong tumayo pero bumagsak din ako buti nalang at nahawakan agad niya ako. "Mukhang di ka okay miss dapa-" naputol ang sasabihin niya ng tumingin siya sa mukha ko. ako man ay hindi na makapagsalita. Nabigla. Nagulat. at lahat na yata. I Can't react! "Renn?" halos di ko marinig na sabi niya. "Jeremy?" halos hindi rin marinig ang pag sambit ko ng pangalan ng lalaking matagal ko ng hinihintay.
![](https://img.wattpad.com/cover/10844015-288-k739456.jpg)