Chapter 10:

13 0 0
                                    

Dyms' POV

Busy ako sa paglalaro ng He loves me, he loves me not gamit ang isang bulaklak ng Emelda grass na pinsan ni Emelda Puppins charot lang, nang bigla na lang may bruhang sumigaw ng "Hoy!" sakin dahilan para mapatayo ako mula sa kinauupuan ko at mapasigaw ng "ang cute ko" nang wala sa oras dahil sa pagkagulat.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. May gahd cassie, akala ko si ma'am Agaser at nahuli akong pinaglalaruan tung Emelda Grass, environmentalist pa naman yun, baka wrestlingin ako nun kung sakali huhu

Bumalik ako sa aking pagkakaupo saka tinignan nang matalim ang isang bruhang mukhang mamatay na sa katatawa.

Pag ito ginulat ko, maslalo tung nagmumukhang tae.

"Hahaha laptrip ka Dyms wahaha" Tawa nito na sinundan ng isang mabahong utot dahilan para batuhin ko sya ng tinik mula sa Emilda Grass.

"Ano ka ba Fritz?! Pshh ambaho grabe! Aside sa mukha kang tae eh tumatae ka pa ba? Ikaw babae ka, bruha ka talaga!" Sigaw ko sa kanya habang todo effort na mangdampot ng tinik para ibato sa kanya.

Maslalo pa akong nainis nang tumawa lang sya nang mas malakas habang todo ilag sa mga ibinabato ko. Napanganga na lang ako nang bigla itpng magrolling papunta sa gilid ko saka diretsyo upo. Waw ah effort much?

Napairap na lang ako dahil mukhang ako na naman ang kailangang magpara dahil nga I'm matured enough. Susubukan ko na lang tumahimik at kalimutan ang mabaho nyang utot para di na sya magsalita pa dahil masmabaho naman ang bunganga nya.

Andito ako ngayon sa garden ng Saint Roberts High School Campus na maskilala sa tawag na "Obertia" na ang pinakaunang principal mismo ng school ang nagpangalan. 

Malawak ang Obertia, masmalawak pa sa utak ni Fritz chos. Pero seryoso, malawak ito. Kasinlaki ito ng sampong classrooms na pinagdigtong dugtong. Maraming ibat ibang klase ng puno ang makikita dito pati naren engkanto na katabi ko ngayon chos. May ibat iba ring klase ng bulaklak na talaga namang nakakawala ng stress tignan at 100 percent na masmabango pa kay Fritz chos lang ulit. Hindi mainit dito sa Obertia kaya dito namin trip tumambay ni Fritz paminsanminsan. May malaking rebulto sa gitna nito ang Founder ng school habang hawak ang logo ng school namin na nakalagay sa isang torch na si Valgar Aguatiño, isang half French and half Filipino na nasa heaven na ngayon. Ayon sa history ng school na nabasa ko sa ilalim ng rebulto nya ay mahirap lang si Valgar ngunit dahil sa determinasyon nya at tiyaga upang makamit ang pangarap na maging teacher ay nagsimula syang magturo kahit walang rehistro dahil elementarya lang ang natapos nya noong panahon ng dating presidente Ferdinand Marcos. Patago syang nagtuturo dito mismo sa garden na ito ng mga batang di nakatungtong ng paaralan dahil aa kahirapan. Lumago nang lumago ang pangarap nya. Mula sa pagiging isang guro ay pinangarap nyang maging may ari ng isang paaralan na tinulungan naman ni dating presidente Cory Aquino na mangyari. Never ginalaw ang garden na ito para patayuan ng kahit ano kase aside sa importanteng bahagi ito ng school kase dito nagsimula ang lahat ay kase dito mismo nakalibing si sir Valgar, sa ilalim ng rebulto nya. Skl.

Mahigpit na ipinagbabawal dito sa Obertia ang pagkakalat ng basura kahit saan kase magagalit ang mga diwata chos lang! kahit san naman siguro bawal magtapon ng mga basura mga kababayan diba? Bawal din ang pagpapamusic kase baka di daw makatulog ang mga butterflies charot! pero seryoso bawal magsoundtrip dito kase baka mabulabog ang peace environment, bawal den ang paglalaro gaya ng paghahabulan kase baka madapa ka sa maling tao chos, bawal den ang pagsusuntukan or any act of violence, pagdidate kase di fair saming mga single, at lalo na ang pagsasana ol chos!

SEDUCING THE CAMPUS KINGS #WATTYS2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon