Chapter 2

95 1 0
                                    

A/N: Eto na yung update guys. Sana magustuhan niyo. Sorry nga pala sa mga errors dito sa story ko. Tao lang po ako nagkakamali :) Enjoy reading!

Harm's POV

Pagkatapos naming mag-usap ng dean ay lumabas agad kami sa office para tumuloy na sa aming class room.

"Harm, ano namang eksena yun?" Tanong ni Sam

"Warm-up palang yun Sam"

"So you mean may binabalak ka?" I just give her a sweet smile bago pumasok sa loob ng room at naramdaman ko namang sumusunod sila.

Umupo agad ako sa last row ng upuan malapit sa bintana at isinubsob ang mukha ko sa arm chair. Naramdaman ko naman ang pagkalabit ng katabi ko kaya tinignan ko ito.

"Harm, kung ano man yang binabalak mo itigil mo na yan matagal na yun. Just move on! Kalimutan mo na yung ginawa nila sayo"

"Move on? Ganun nalang? Matapos nila akong lokohin inalila gawing clown sa buong taon kakalimutan ko nalang lahat yun?"

"Look harm alam kong malaki ang galit mo sakanila pero wag naman sanang dumating yung panahon na kainin ka ng galit mo."

"Sila ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, sila din yung dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas lahat ng mga pagbabago ko sila ang may kakagawan nito kaya wag niyo akong sumbatan kung ano ang gagawin ko kasi hindi niyo alam kung gaano ako nasasaktan noon!"

Agad akong umalis at tinahak ang daan palabas ng classroom.

Before anything else I'm Harmony Aya Raine Montereal 17 years of existence nag-aaral sa Standford High University. You will know me well as the story goes.

Flashback...

Walang hiyang luha to! Traydor ka talaga. Dali-dali akong lumabas sa classroom dahil ayokong makita nilang umiiyak ako ayokong ipakita sakanila na mahina parin ako. Naramdaman kong panay ang tingin saakin ng mga estudyante na dinadaanan ko, yung iba naman nagbubulungan ngayon pa ba sila nakakita ng taong umiiyak? I bow my head para hindi nila makita yung pag-iiyak ko.

"Di ba siya yung dating bully noon?"

"Ang ganda niya pala"

The Heartless Queen (On-going)Where stories live. Discover now