(A/N: This Chapter ay tungkol po ito sa mga nakaraan ng ating bida. Ngayon ko lang to na update guys because of my hectic schedule 😢 Sino magpa dedicate sa next chapter? Just leave a comment. so eto na nga enjoy. )
flashback (Harm's POV)
First day ng klase ko ngayon as a 4th year student sa Standford High School nag transfer ako ng school kasi yung former school ko ay hindi ko nakayanan ang trato nila saakin. Wanna know why? Well isa lang naman akong bully sa school ko noon they hate me so much because of my appearance. Isa lang naman akong dakilang nerd. 'Ano ba ang meron sa isang nerd?' Ang laging tanong ko sa sarili ko noon. Kapag tumitingin ako sa salamin may nakikita akong isang babaeng malaki ang salamin, manang kung mag damit, laging naka pony tail palaging libro lang ang inaatupag 'Book worm' kung baga. Pero is that a valid reason para i-bully nila ako? Tao lang din naman ako pero conservative lang, hindi ako mahilig gumala hindi ko nga rin naranasan mag night life. 'School - Bahay - Basa - kain - Basa - tulog' yan ang daily routine ko. Tinatrato nila ako doon na parang hindi tao. Binubuhusan ng Lime, Baking powder tinatapunan ng itlog o di kaya mga tissue kasi nga raw 'NAKAKADIRI AKO'.
Tiniis ko ang lahat ng mga pahirap nila saakin sa loob ng 3 taon minsan gusto ko nang mag sumbong sa Family ko pero ako rin mismo ang pumipigil sa sarili ko. Ayoko ko kasing lumaki pa ang gulo kaya tinitimpi ko lahat. Until one day nong dumaan ako ng Hallway bigla nalang may bumagsak galing sa taas na pintura at nabuhos lahat saakin at sa hindi inaasahang pangyayari nadulas ako at nauntog ang ulo ko sa pader kaya doon nalaman ng pamilya ko ang lahat at first pinagalitan nila ako dahil bakit ayaw ko raw magsumbong. Pero para saan pa kung araw-araw ikaw ang target nila. Nag file ng case ang family ko laban sa School at sa mga may pakana sa nangyari pero hindi rin natuloy kasi nagmakaawa ako para hindi na lumaki ang gulo kaya eto ang rason kung bakit ako napadpad sa eskwelahang ito. At sana sa pag lipat ko dito wala na akong maranasan na mga paghihirap gaya ng naranasan ko noon.
Pumasok na ako sa room kung saan ako napabilang which is Section 1 as usual pag pasok ko pinagtitinginan na naman ako kaya yumuko nalang ako. Kailangan kong makahanap ng upuan agad para maiwasan ang mga tingin nila linibot ko ang tingin sa buong kwarto at may nakita akong bakanteng upuan sa 1st row. Pumunta na ako doon at uupo na sana pero biglang may kumuha ng upuan at ayun humalik yung pwet ko sa sahig, tawanan ang bumalot na ingay sa class room.
Dali dali naman akong tumayo at pinagpagan ang palda ko na hanggang tuhod tiningnan ko ang kumuha ng upuan ko na ngayon ay naka ngiting aso at taas kilay na nakatingin rin saakin.
"Ooopps! Sorry akala ko kasi isa ka sa mga yaya ng mga classmate ko dito"
and then they laugh. Okay timpi muna harm, binalingan ko naman ang isang upan na katabi ng uupuan ko sana kanina pero biglang may kumuha na babae dito
"Nerd, find another seat may naka upo na dito"
atsaka niya binalik sa pwesto ang upuan, eto naman akong si uto-uto humanap na naman ng upuan linibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ng may biglang tumawag saakin. Gwapo! Ay letche Harm umayos ka nga.
YOU ARE READING
The Heartless Queen (On-going)
Fanfiction"I'd rather be heartless; than heartbroken." Harmony Aya Raine Montereal