My Annoying Groom

1.4K 7 1
                                    

CAST

Kim Chui----- leading lady Xian Lim------ leading man Erich Gonzales------ kim's bff enchong dee--------- xian's bff pokwang------ kim's mother richard yap---- kim;s father ai-ai delas alas------ xian's mother ariel rivera--------- xians father

Story by: rosemarie Pintor

Enjoy the story!!!!!!!!!

CHAPTER 1

Excited ako dahil uuwi daw dito sa pilipinas ang aking ninong Arie at ninang Ai.

"Mommy.......mommy kailan po ba ang dating nila ninang?" excited na sambit ni kim.

"Hay naku anak......kahapon mo pa tinatanong sa akin yan." Nakukulitang sabi ng mommy poky nito.

"Gusto ko na po kasi silang makita meh." Sabi ni kim na sabay impit na tumili.

Nakangiting sinagot ito ng ina."Bukas na sila darating anak.Kasama ang kinakapatid mong si xian"

Sumimangot si kim."Bakit kasama pa ang xian na iyon.Dati naman di s'ya kasama ah"

"Balak kasi dito mag negosyo ng ninong arie mo at si xian ang magiging katulong niya." Pagpapaunawa ng mommy poky nito.

"Sigurado ako iinisin na naman ako nang damuhong iyon" Nagpapadyak na wika ni kim.

"Bakit ba di kayo magkasundo ni xian anak.....eh sabay naman kayong lumaki." Sabat ng kanyang papa sa usapan nila ng kanyang ina.

"Paano naman po kasi dad. Sa tuwing magkikita kami lagi nalang niya akong iniinis." himutok nito sa ama.

"Pinapansin mo naman kasi ang mga pang iinis kaya ka iniinis." Sabi ng dady richard niya.

"Kinakampihan mo ba s'ya dad?" Nandidilat ang mga matang tanong ni kim sa ama.

"Hindi naman sa ganon anak......." ani ng ama nito.

"Buti naman kung ganoon dad akala ko kampi kayo sa damuhong iyon eh." Sagot nito sa ama nang di pa man nito natatapos ang sasabihin ng ama.

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan.Baka pag awayan nyo pa yan." Saway sa kanila ng kanyang ina.

Pumunta na si kim sa kanyang kwarto upang gawin ang kanyang homework.Nasa third year college na si kim sa kursong buisness management.Pero di niya matapos ang kanyang ginagawa dahil lagi niyang naaalala ang mga pang-iinis sa kanya ni xian noon.

*!#====ABANGAN ANG NEXT CHAPTER=====#!*

My Annoying GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon