Chapter 2

797 19 8
                                    

                   

Chapter 2

            "5 YEARS AGO"

Tumatawa  si Xian habang pinagmamasdan ang katorse anyos na si Kim.

"Ano ba naman yang itsura mo Kim para kang bading" Tumatawang sabi nito.

"Heh.......tumigil ka nga riyan.Niyaya akong lumabas ng crush ko kaya kailangan maganda ako!" Nakairap na sambit ni Kim.

"Sigurado akong tatakbo yun pag nakita yang mukha mo" Maluha-luha na ang mga matang sabi nito dahil sa kakatawa.

Nakarinig sila ng katok sa pinto kaya dali-dali niya itong binuksan.At ang napaka gwapong crush niya ang dumating.                                                                                                                                                  Tinawag niya ang kanyang mga magulang upang makapag paalam na.

"Mom........Dad......tuloy na po kami." Medyo mahinhin na sabi nito.

"O sige mag-iingat kayo hah."Ani ng kanyang mommy.

"Uuwi kayo ng maaga hah." Bilin ng kanyang daddy.

Tumango lamang siya sa kanyang mga magulang .                                                                                         Paalis na sana sila nang biglang magsalita si Xian.

"Pare.........mag-iingat ka dyan....baka tuklawin ka."Tumatawang sabi ni Xian.

Kumonot lamang ang noo nang kanyang date.Napahiya naman siya sa inasal ni Xian.

          "PRESENT DAY"

Dahil sa mga ala-alang iyon ay talagang kumukulo ang dugo ni Kim sa Xian na iyon.Tinakpan niya ng unan ang bibig at impit na sumigaw upang mabawasan ang kanyang inis.

My Annoying GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon