CHAPTER 5

174 6 0
                                    

A/N: mukhang palpak ang last chapter. Pag pasinsyahan nyo nalang.

So enjoy the story!!!!!

★★★★★★★★★★★★★★★

KIM'S POV

Nilapitan ko sya at naka pamaywang na humarap sa kanya.

At sino ang nag sabi na pwede ka pumasok dito sa kwarto ko?!…

Nandidilat pa ang mga mata ko habang kinakausap ko sya. Pero sadyang makapal lang talaga ang mukha ng unggoy nato.

"Ayaw ko dun sa guest room. Dito ko gustong mag pahinga."

At talagang feel na feel nya ang moment dahil yakap yakap na nya si mr.seal (ang stuff toy ko na sea lion).

"Wag mo ngang yakapin si mr.seal. baka dumikit ang amoy mo dyan. Kadiri!!!" Hinatak ko si mr.seal palayo sa kanya at sinipa ko sya paalis ng kama. Pero di man lang natinag ang unggoy na to. Talagang inuubus nya pasensya ko ha!!!!!

hhmm anu kaya ang magandang gawin para mapabangon ang unggoy na to???

(Ting!!!! with matching light bulb sa ulo hehe)

Wat a bright idea. Tignan lang natin kung di ka pa bumangon.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Di naman nya ako pansin dahil nakapatong ang braso nya sa mga mata nya.

1

2

3

Breath in..........

And.....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"AAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!"

pinakawalan ko ang pinakamatinis na sigaw na kaya ko sa mismung tinga nya kaya naman bigla syang na pabangon at tumingin ng masama sa kin.

"Why did you do that!" Galit na ata ang unggoy.

"Sinabi ko naman sa yo na umalis ka na. Bat ayaw mong makinig!!. Kaya dapat lang yan sayo" nakataas ang kilay na  sabi ko sa kanya.

"Cant just let me rest.?? I still have a jet lag" bigla naman nag bago ang expretion ng mukha nito naging parang maamong tupa na. Kala na man nya madadaan nya ako sa mga ganyan ganyan. (Well malapit na actually kunting push nalang.) Pero syempre d ako nagpahalata na medyo naaawa ako sa kanya kaya tudo sungit naman ang peg ko.

"Wala akong paki.!!! Labas na dun ka sa kwarto mu matulog wag yung dito ka nambubulahaw.!! naaalibadbaran ako dyan sa mukha mu eh!!!" Mataray ko na sabi. Nang tignan yung mukha nya para syang na hurt kaya medyo na konsensya naman si me. Sumubra ba ko??

Feeling ko di na man dba?

Dahan dahan syang tumayo at naglakad papuntang pinto at binuksan ito. Pero bago sya lumabas lumingon muna sya at  may sinabi na lalong nag pa konsenya sakin.

"Nakaka alibadbad pala ang mukha ko sayo ?. Sory... gusto ko lang naman mag lambing kasi na miss kita ng sobra......, Pero mukhang hindi mo yata ako na miss....." matamlay na sabi nya bago tuloyang lumabas ng kwarto ko.

Parang gusto ko yatang bawiin yung sinabi ko sa kanya kanina. Nasaktan ko yata sya ng sobra.

Hayy.... mag so sory kaya ako? Or hayaan nlang?....... nakaka tress namang mag decide!!!! Argh!!!! Anu ba dapat gawin?!!

Napasalampak ako sa kama at kinakausap si mr.seal. anu ba ang tamang gawin? Mag sori o hayaan nalang?? Sumagot ka naman mr.seal. para na kong baliw pati ang walang malay na seal kinakausap ko na.

Anu ba talaga ang gagawin ko!?!?

◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

A/N: sana nagustuhan nyo ang update ko.

Any violent reaction or whatsoever?????

Comment lang at paki support nyo naman ang 2nd story ko
HIS PUNISHMENT yung title nya...

Thank you and love you mua!!!

My Annoying GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon