Simula
Hindi ko alam kong magiging malungkot ako o magiging masaya sa pag-uwi kong ito. Bigla lang akong pinauwi ng aking kapatid sa hindi malamang kadahilanan. Sakay ako ng isang bus matungong Nuestro Abrigo. Higit siyam na oras ang aking byenahi mula maynila, halos padilim ng makarating ako.
Pagkababa ko ng bus ay nagtungo ako sa sentro kung saan palagi kong tinatambayan noon. May maliit na park doon, kahit gabi na marami pa ring namamasyal dahil sa maliwanag at maraming nagtitindang kung anu-ano sa paligid. Halos anim na taon din ng huli akong umuwi rito. Medyo nagbago at umasinso na ang lugar ng Nuestro Abrigo hindi tulad noong umalis ako, marami ng bagong kainan, may nakikita rin akong maliit na bar at kahit ang mga daan ay naging espalto na rin.
Nabigla ako ng may biglang kumalabit sa likod ko. "Kuya!" na miss ko sya ng sobra. Niyakap ko sya kaagad at ganoon din sya sa akin.
"Siguradong matutuwa si Papa ngayong nandito kana." sabi nya ng humiwalay kami.
Kahit ako man ay maligaya dahil nakauwi ako. "Kamusta ang Papa?" mga tatlong taon din ng huli nila akong dinalaw sa Maynila dahil sa naging busy sila sa pamamalakad ng lupain namin at mga negosyo dito sa Nuestro Abrigo.
Nakita kong yumuko si kuya, kaya medyo kinabahan ako. "May malubha syang sakit Irvine." Halos manghina ang mga tuhod ko sa sinabi ni kuya. "Kaya kita kaagad pinauwi rito dahil any time maaari syang mawala sa atin."
Sapu-sapo ko ang dibdib ko."Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan ha? Di sana noon pa ako nakauwi kuya." nagsilaglagan na ang mga luha ko. Wala man lang may nagsabi sa akin ng kalagayan ni Papa, wala akong kaalam-alam na malala na pala sya.
"Ayaw kong mag-alala ka sa Maynila Irvine. Ginawa kong ilihim para sa ikabubuti mo."
Pero hindi dapat ganon ang desisyon nya magkapatid kami, sana man lang naalagaan ko ang Papa. "Umuwi na tayo sa bahay kuya. Gusto ko ng makita ang Papa."
Halos hindi ko maihakbang ang paa ko papasok ng mansyon namin. Buong byahe namin patungo rito ay iyak lang ang ginawa ko. Pumasok ako sa silid ni papa at nakita kong nakahiga sya sa kanyang kama katabi nya ang kanyang doctor. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nasa likod ko pa rin si kuya. Nakita kong niyayakap nya ang larawan ng yumao naming ina.
Mas lalo lang akong nahabag sa kalagayan nya. May mga aparatus na nakakabit sa kanya at natutulog lang sya. "Kuya." hindi ko mapigilang yakapin ang kuya ko. Hindi ko naiimagin na makikita ko sa ganyang kalagayan ang aking Papa.
Hinahagod ni kuya ang likod ko para pakalmahin ako. "Wala na tayong magagawa pa Irvine, kailangan na nating tanggapin na mawawala sa atin ang Papa."
Hindi ko kayang mawala si Papa, hindi ko makakaya iyon.
Hindi ako natulog at umalis sa tabi ni Papa, buong gabi ko syang binantayan. Pagkatapos sya e check ng kanyang doctor ay umalis din naman ito.
Bumaba ako para mag-almusal at naabutan ko doon ang matagal na naming katulong na si Manang Luisa.
"Kumain kana Irvine, nakahanda na ang almusal sa mesa."
"Salamat manang." umupo ako sa mahabang mesa namin. Nilagyan ni manang ng kape ang tasa ko. "Manang nasaan si kuya?" napansin kong tahimik ang bahay at hindi ko na sya nakita ulit kagabi simula noong iwan nya ako sa kwarto ni Papa.
"Umalis kagabi pa, hindi pa sya bumabalik."
Tamango ako. Saan kaya sya nagpunta, hindi man lang sya nagpaalam sa akin.
"Luisa, kulang itong mga pinamili mo. Magagalit mamaya si Sir Floyd dahil hindi mo nabili yong pinabili nyang sugpo at alimango." sumulpot si Mang Kanor sa kung saan. Bumaling sya sa akin ng mapansin ako.

BINABASA MO ANG
The Devil's Paradise
RomanceI wish I could apologize for falling in love with you. But I can't. It would be asking me to be sorry for breathing.