Kabanata 3

5 0 0
                                    

Plan

Lumuwas ako nang Maynila.

Hindi pa alam ni Cedrick, susorpresahin ko na lang sya mamaya.

Dumaan muna ako sa condo at botique para makamusta si Carla.

"Akala ko magtatagal ka pa sa probinsya nyo Irvine?"

"Babalik din ako sa susunod na araw doon Carla. Makikipagkita lang ako kay Cedrick ngayon." Iminom ko ang juice na hinanda nya.

"Ganon ba?" Nakita ko ang pagkunot nang noo nya at pag-iba ng expression ng mukha nya.

"What's wrong?" Pagtataka ko. Mukha syang may problema.

"W-wala Irvine." Umiwas  si Carla sa akin.

Alam ko kung may tinatago sya. Matagal ko na syang kilala. "Sabihin mo na sa akin. Sige na, tungkol ba 'yan sa negosyo natin?"

"G-ganito kasi Irvine. H'wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko."

Nag-aalangan pa sya. Di ko alam pero bigla akong kinabahan sa kanya.

"Engagement party kasi ngayon ni Cedrick, Irvine."

Para akong sinakluban ng langit at lupa sa narinig ko.

Is this a big joke?

"'Wag ka magbiro ng ganyan, Carla." Ngumisi ako. "Papaanong engagement party nya e noong isang araw lang kami nag-usap."

"Sorry Irvine." Malungkot nyang saad.

"Hindi..hindi totoo yang sinasabi mo." Medyo galit na ang tono ng boses ko.

Ayaw ko mang maniwala pero naabsorb ko na ata ang sinabi ni Carla.. Shit! Nagsilaglagan na ang mga luha ko.

Panahid ko ito ng kamay ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at e dinayal ang number ni Cedrick doon.

Ring lang ito ng ring hanggang sa maging cannot be reach ito. Siguro ay pinatay nya ito.

"Alam mo ba kung saan ang venue ng party, Carla?" Halos hindi ako makapagsalita.

Tamango ito.

Pinuntahan namin ni Carla ang hotel kung saan ang engagement party ni Cedrick.

Nagpumilit kaming makapasok ngunit mahigpit kaming hinarangan ng guard. Wala daw kami sa listahan ng mga dadalo.

"Manong padaanin nyo ako. Girl friend ako ni Cedrick." Pakiusap ko sa guard.

"Oo manong. Sandali lang naman kami e." Ani ni Carla.

"Pasensya na ho talaga ma'am. Sumusunod lang kami sa utos."

"Sige na naman oh."

"Hindi po talaga-" tinulak ko sya kaya nawalan sya ng balance, saka ako tumakbo sumunod naman si Carla.

Nahagip ng aking mga mata si Cedrick sa loob.

"Cedrick!" Sigaw ko kung kaya't na palingon sa akin ang lahat.

Nakita ko ang laking pagkagulat ni Cedrick ng makita ako. Para itong nakakita ng multo.

"Cedrick!mag-usap tayo please." Hinawakan ko ang kamay nya.

Hindi ko na pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin.

Gusto kong marinig ang explaination nya. Baka napilitan lang sya kaya nagawa nya ito.

"Anong ginagawa mo rito Irvine? Akala ko nasa probinsya ka?" Walang emotion nyang saad. "Umalis kana dito." Kinuha nya ang kamay nya.

Natigilan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 The Devil's ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon