Kabanata 1

23 1 0
                                    

Don Santivaniez

Tanghali na ng makarating ako sa mansyon.  Nilapag ko kaagad ang mga pinamili ko sa kusina si manang Luisa na lang ang bahala dyan.  Pumanhik kaagad ako sa itaas para tingnan ang papa sa kanyang silid pagkatapos ay dumeritso ako sa maliit naming library.  Alam ko naroon si kuya dahil nakita ko ang kotse nya sa labas kanina.

Hindi na ako kumatok,  diri-diretso na akong pumasok.

"Kuya Floyd." naabutan ko syang nagsasalin ng alak sa kanyang baso. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Emwenistra nya sa akin ang upuan sa harap ng office table na naroon. Umupo ako at ganon din sya.

"Kuya gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo." pilit kong pakalmahin ang boses ko. "Totoo bang wala na sa atin ang asukarira at ang mga lupuin natin?"

Nakita kong medyo nagulat sya sa sinabi ko. Sumimsim sya sa basong hawak nya bago nagsalita. "Mababawi rin natin 'yan Irvine." hindi nya ako matingnan. So.. Totoo nga ang lahat ng mga narinig ko sa palingke kanina.

"Akala ko ba okay ang hacienda? B-bakit umabot sa ganito?" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Bakit hindi nyo sinabi sa akin na nalulugi na pala tayo. Wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito, una ang pagkakasakit ni papa tapos malalaman ko na lang naghihirap na tayo." nagsilandasan na ang mga luha sa pisngi ko.

"Dahil ayaw ni Papa Irvine." napalakas ang boses nya. "Masarap ang buhay mo sa Maynila ayaw ng papa na mag-alala ka dahil kaya naman naming ayusin ang lahat pero nagkasakit ang papa at mas lalong nalubog tayo sa utang. Kasalanan ko na piliin na akuin ang lahat."

Tama sya lahat ng luho ko ibinigay nila. Hindi nila pinaramdam sa akin ang maghirap sa buhay pero hindi iyon sapat na dahilan. "Papaano tayo ngayon? Saan tayo pupulutin? Baka naman may paraan pa para maibalik sa atin ulit ang negosyo at lupa natin?"

"Naibenta ko na lahat Irvine,  pambayad sa milyon-milyong  pagkakautang natin sa bangko.  Ang natitira na lang ay itong mansyon.  Ang masakit ay hindi na tayo kumikita, wala ng pumapasok sa atin." Tumayo sya at humarap sa bintanang naroon, "baka may pera ka naman Irvine ngayon ko kailangan ng tulong mo."

Despirado na sya.

Napapikit ako sa sinabi ni kuya.  Pilit kong inaabsorb ito sa systema ko.  "Kuya hindi sapat yong ipon ko. Hindi pa ganon kalaki ang negosyo ko sa Maynila. Kung magloloan ako para mabawi natin yong nawala hindi rin magkakasya mas lalo lang tayong malulubog."

"Wala akong maisip na paraan kundi ibenta itong mansyon Irvine."

"No!" Agad kong tutol. Napalingon si kuya Floyd dahil sa pagtutol ko. Hindi ako papayag na pati itong mansyon,  dito kami lumaki at nagkaisip.  Dito nagbuo ng pamilya ang mama at papa maraming alaala ang naririto na hindi basta-basta itatapon ng ganon na lang. Titiisin ko na lang na maghirap kami."Hindi ako papayag." matigas kong sabi.

"Wala na tayong magagawa.  Kung ibibenta natin itong bahay mapapagamot natin ng maayos si papa, makakapagnegosyo tayo ulit at sisiguraduhin kong makakabawi tayo ulit."

Hinawakan ni kuya ang kamay ko. Alam kong desidido sya sa binabalak nya.

"Hindi kuya.  Mawala na sa atin ang lahat pero hindi itong bahay." binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. 

Tumayo ako at tinungo ang pinto,  hindi ko man gusto ang talikuran si Kuya pero kailan ko mapag-isa.

"Isipin mo ang  papa Irvine. Makinig ka as akin." Narinig kong sigaw ni kuya. 

Hindi ko sya pinansin sa halip ay pumasok ako sa kwarto ko at umiyak 'don. Hindi ako umiiyak dahil maghihirap kami ang kinahahabag ko  ay ang  mga pinaghirapan ng magulang namin ay mawawala sa amin.  Naaawa rin ako sa kalagayan ng ama ako.  Hindi ko alam ang gagawin ko.

 The Devil's ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon