Chapter 6 : This Is It.

6 0 0
                                    

December 15,2013 (Sunday)

Eto na yung araw na Pupunta kaming Klownz Quezon Ave.

Iiiih! Excited na ako :'))))

Paggising ko wala pa si Mama pero andyan si Papa.

Bumangon na ako, pumuntang cr. Nagtoothbrush at naghilamos.

Bumaba at kumain na ako ng breakfast.

Andun sa Papa nakahilata lang..

Lagi naman ganun yan.

Ayun, after kong kumain, niligpit ko na pinagkainan ko.

Nagpahinga ako saglit, tapos nanood na ako ng HIMYM.

After 5 mins. dumating na si mom.

Hindi ko napansin kasi masyado akong nakafocus sa pinapanood ko.

After sometime, napansin ko wala na akong kasama sa baba. Narinig ko sila sa taas nag - uusap. Hinayaan ko na lang sila mag - usap.

I just continued watching HIMYM :)

After some time, bumaba na sila at magkayos na....

Just like that -,- Pero wala eh.

Den, nakaset na ba yung susuotin mo mamaya? Simbang gabi muna tayo mamaya.

Yup. Plantsado na yung shirt ko.

Ano ba susuotin mo?

Yung ¾ na binili mo.

Okay.

Ma, nasayo na yung ticket diba?

Yup.

Okay, Punta ka muna sa Ever bayaran mo yung tubig.

Okay, akin na yung pera.

Daan ka na din sa Mercury DrugStore.

okay.

Ayun umalis na ako at nagbayad ng tubig. Buti na lang walang tao. Ako pa lang ata tao dun sa LBC eh.

Pagkatapos nun. Dumiretso na ako sa Mercury, bumili ng pinapabili ni Mama.

Dumaan muna ako sa Milktea, bought my usual drink, then headed down to the tricycle terminal. I forgot my earphones at home so I can't listen to my tracks at the moment.

Habang nasa tricycle ako ang daming pumapasok sa utak ko.

Ano kaya itsura ng Klownz Q.Ave? Aasarin kaya nila ako dun? Mapapansin kaya ako ni Gladys Guevarra? :(

Hay, bahala na nga.

Boss, dito lang sa tabi. Eto bayad oh.

Ma, eto yung resibo oh.

Okay, lagay mo lang dyan sa mesa.

Oh, nasan si Papa?

Binayaran lang yung mga utang.

May pinapabigay lola mo sayo. Pera daw sabi ni Papa.

Nasaan? Binawasan ba ni Papa?

Nandun sa taas. Ikaw ha. Ang bad mo mag isip sa papa mo.

Eh knowing him. Anyways, san sa taas?

Sa cabinet. Nasa white envelope.

Ah.

Pumunta ako sa taas para tignan kung magkano yun. 1k bigay sakin ni Lola. :))) Yey!

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon