Sabrina Pov
"Bakit Hindi mo sinabi sakin Sabrina Kung sino ang Babae ng gagong yun!" Galit na saad ni Wridge sa akin. Parang Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Iyak na naman ako ng iyak. Sobrang sakit na kasi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mawala itong sakit na nararamdaman ko. Parang gusto kong magwala. Patuloy akong umiiyak sa harap ni wridge ng bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at nandilim bigla ang aking paningin. At naramdaman kong may mga bisig na sumalo sa akin.Nagising ako sa ingay ng mga kaibigan ko. Ginala ko ang paningin ko ng makita ko na nasa hospital ako. Babangon na sana ako ng biglang sumakit ulit ang ulo ko.
" Wag ka munang bumangon Sabrina." Sabi ni wridge habang papalapit sa kama ko. Madilim ang kanyang mukha. Alam kong alam niya na ang tungkul sa bata sa tiyan ko. At alam ko ding Galit siya ngayon.
"Marami pa ba akong hindi alam sayo sabrina!? Pagalit na tanong niya sa akin. Na hindi akonagad nakasagot. Alam sobrang protective ni Wridge Sa akin sa aming lahat bata pa lang kami siya na ang nagtatanggol sa amin. Kaya hindi na ako magtataka kung Sobrang magagalit siya ngayon sa mga nalaman niya."Answer me Sabrina Ano pa ang hindi ko Alam? Kung hindi ka pa nahilo kanina hindi ko pa o namin malalaman na may buhay na nabubuo diyan sa sinapupunan mo!" Galit na saad ni Wridge sa akin. Nakita ko din ang tatlo na nakatingin lang sa akin. "Sorry" yun lang ang tanging nasabi ko sa kanila.
"Sabrina kailangan mong sabihin sa amin lahat para matulungan ka namin hindi yung susoluhin mo lang ang lahat ng problema mo." Sabi ulit niya. Umupo siya sa kama at niyakap ako. "Sorry sa inyo hindi ko lang talaga alam kung paano sabihin sa inyo. Lalo na sa mga nangyayari ngayon" umiiyak na sabi ko sa kanila. Yumakap din silang tatlo sa akin "Nandito Kami para sayo best hindi ka namin iiwan" napangiti ako sa sinabi nila sa akin.Kailangan kong bumangon para sa magiging anak ko. "Salamat" .
Wridge Pov
Sobra akong nasasaktan na makitang nasasakttan si Sabrina. Hindi ko kayang makitang masaktan siya. Lumabas agad si Sab ng hospital pagkatapos siyang sabihan ng doctor kung ano ang dapat niyabg gawin.
Hinatid ko lang sila at umalis din ako agad.
Habang tulog pa kanina si Sab tinawagan ko si crist para makipagkita. Pupuntahan ko ngayon ang gagong yun.Pagkarating ko agad kong nakita si crist na umiinom ng beer tinakbo ko ang distansya namin at sinuntok siya.
. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sobrang galit talaga ako sa ginawa niya kay Sab.
Hindi siya nanlaban sa suntok ko "gago ka crist sinaktan mo siya binalaan na kita na wag mo siyang sasaktan!"
Sinuntok ko siya ulit.
"Hinding hindi ko hahayaang makalapit ka pa ulit sa kanya gago ka!"
Sobrang putok na ang labi niya dahil sa suntok.
"Sorry pare"yun lang ang nasabi niya.Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niyang sorry. Anong akala niya sa isang sorry mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ngayon ni Sab.
Hindi deserve ng Kapatid ko ang masaktan ni hindi ko nga kayang makitang masaktan yun noong mga bata pa kami ngayon pa kaya."At isa pa pala layuan mo din si Kath tangina mo!" Pagkatapos kung sabihin yun umalis na ako.
A/n: hello po thank you po sa mga nagbabasa at nag vote. Sobrang pong masaya ako ng makita kung may nag comment thank you po talaga sa inyo. Love you all po <3
BINABASA MO ANG
My Husband Mistress
De TodoI am pretty I'm a lot more caring than her. we were married and you still wore the ring in your finger you can go to her even though right now you're with her charms because in the end of the day you will end up in my arms. - wife I'm just a mistre...