Chapter 1

18 1 3
                                    

Monday. Ang pinakaayaw kong araw sa buong buhay ko.

May flag ceremony ngayon at kelangan maaga ako makadating sa school. Baka magkaroon pa ako ng detention. Tama na yung isang beses lang yun nangyari sa akin.

Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako. Hindi na ako kakain pa. Male-late lang ako.

Sumalubong sa akin si mommy at daddy na nagtatawanan.

"Good morning mom,dad" masayang bati ko at humalik sa kanilang pisngi.

Niyaya pa nila akong kumain pero wala na talagang time. Sumakay agad ako sa kotse.

Habang paalis na kami ni manong papunta sa school,napangiti ako sa nakita ko.

Sobrang gwapo nung lalaki. Kahit na nakatalikod siya malalaman mo na talaga na maganda yung katawan niya. Hindi lang siya basta hot at gwapo. Sobrang talino din niya. Pero may pagka badboy siya.

At si ay si Dane. The love of my life.

Napakagwapo talaga niya. Lalo na pag nakita mo siyang ngimiti. Tutulo ang laway mo.

"Ma'am natulo na po yung laway niyo." nagising ang diwa ko sa sinabi ng driver namin. Kahit kelan talaga si manong.

"Ikaw talaga manong! Sige na po bilisan niyo na at male-late na ako."

Nag nod lang si manong. Napatingin ulit ako kay Dane. Papunta narin siyang school.

Si Dane ang ultimate crush ko. Siya na ata ang pinakagwapong lalaki ang nakita ko sa buong buhay ko. Paano nga ba kami nagkita?

*flashback*

"Cara ano ba! Akin na yaaaaaaan!!!! Lagot ako may mommyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!"

Naghahabulan kami ni Cara. Ang bestfriend ko. Ingawa niya kasi yung make up ni mommy. Hindi pa naman ako nagpaalam na kukuhanin ko yun. Lagot ako nito eh!

"Cara ano ba?! Isusumbong kita mommy!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa park. Pano ba naman kami hindi pagtitinginan eh ang ingay ingay ko dito tapos ang lakas pa nga tawa ni Cara.


"Caraaaaaa! Pag yan di mo binigay sasapak-----" BAM!!!!


Napaupo ako dahil sa sakit. Ano ba yan?! Narinig kong sumigaw si Cara.


"Miss okay ka lang? eh ikaw naman kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Tamo yang damit ko at damit mo, ang lagkit na." tiningnan ko yung damit ko. Puno siya ng lusaw na ice ceam.


Handa na sana akong sumabog sa galit dahil binunggo niya ako kaso nung narinig ko yung boses niya automatic akong napatingin sa kanya.


Nang tiningnan ko yung lalaking nagsasalita. ASDFGHJKSHSFHSKDDUEBJNI!!!!! Ang pogi niyaaaaaaaa!!!!


Lord okay lang po kung ganito kalgkit kung ganito naman kwapo ang may dahilan kung bakit ako nagkaganito.


"Miss sorry ah. Kelangan ko na umalis baka mapagalitan ako. Sige miss,sorry ulit"

******

Simulanoon siya na lagi ang laman ng puso at isip ko.


Nalaman ko din na Dane ang pangalan niya kasi nga sa di inaasahan ay pareho lang kami ng subdivision na tinitirhan. siguro mga walong tambling lang nandon na din ako sa kanilang bahay.


Hayyyyy. Kung tutuusin swerte narin ako at lagi ko siyang nakikita at magkalapit lang din ang bahay namin.


Napatingin ako sa aking relo. Biglang kumunot ang aking noo. Shemay. LATE NA AKO!.




Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon