"I Like You"Halos malalag na ang puso ko dahil sa sinabi ni Dane. .For real? Totoo ba ito o joke lang? Pero hindi eh. Nakatingin siya mismo sa mata ko at seryoso.
"Y-you l-like me,r-really?" Nauutal kong sabi.
Naningkit ang mga mata ni Dane na ipinagtaka ko."Pfffft. Seryoso Tammy? Iniisip mo na totoo yung sinabi ko? Ahahahaha. Masyadong kang paniwalain. Mabilis kang maloko. hahahaha."
Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Bigla nalang kumirot ang puso ko.Maliban sa sinabi niyang joke lang yun, masakit para sakin yung sinabi niyang mabilis akong maloko. Ewan ko ba,basta parin sa akin masakit ang masabihan noon.
Nahalata niya atang natahimik ako kaya hindi narin siya nagsalita. Maya maya ay may dumating na babae. Siya yung president ng Student Council.
"You two," Sabay turo niya samin ni Dane." Pwede na kayong umalis. Make sure na hindi na ulit kayo mapapapunta dito,okay?"
Tumango nalang ako habang si Dane ay inirapan lang si Cassy. Napairap nalang din si Cassy. Ganyan silang magbestfriend.
Papalabas na ako nang magsalita ulit si Dane."Sorry Tammy."
Pagkatapos nun ay umalis na siya habang ako ay naiwang naka nga nga. Ano naman kaya ang nakain nun at nagsosorry sa akin? baka nakaramdam na nasaktan ako sa sinabi niya. Well,sana.....
*******************
Parang tanga. Yan ang perfect words kung idedescribe ako ngayon. Pano ba naman kasi nasa bibig ko parin yung pagkain na kinakain ko tapos nakanganga pa ako. Kinakausap ko pa ang sarili ko at paminsan minsan ay bigla ko nalang sasabunutanan ang sarili kong buhok. Buti na nga lang at nasa medyo may pagkatino pa ako ngayon kung hindi baka kung sino nalang dito ay hilahin ko at siya ang pagsasabunutan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsaunot sa sarili ko ng may naramdaman akong tumabi sa akin.
"Anong drama mo diyan Tammy?" It's my bestfriend. Cara.
Inirapan ko nalang siya at itinuloy nalang ang pagkain ko.."Tungkol nanaman ba yan kay Dane?"
Hay nako,kahit kelan talaga ang kulit nitong si Cara. Hindi ba siya pwedeng tumahimik nalang diyan sa tabi ko?? Daming satsat eh.
"Hindi ako makulit. Concern lang ako sayo. Hindi din pwedeng tumahimik nalang dito. Yuck! baka mapanis pa ang laway ko dito pag hindi ako umimik. Eww kaya yun. At higit sa lahat,hindi ako puro satsat. Hello bes,ikaw nga dyang kanina pang bulong ng bulong na parang baliw na nasapian jan. Tamo oh. Damong nakatingin sayo tas binagbubulungan ka."
WOW. Mind reader ba itong si Cara? Tulad ng sinabi niya,tiningnan ko ang mga tao dito sa cafe. Tama siya. Lahat sila nakatingin sa akin at pinagbubulungan ako. Shete. Lupa kainin mo na ako.
Tiningnan ko siya at ngumiti ng mapait. " Napapunta ako kanina sa detention room. Kami lang ni Dane ang nandoon"
Nanlaki ang mata niya at nagtatalon.
"GOSH!GOSH!GOSH. WAAAH GRABEEEEE. KAYO LANG TALAGA AS IN? UMAYGAD BESSY. SO LUCKY MO NAMAN TODAYYYYYYYY!!!!"
Napailing nalang ako sa inakto ni Cara.Kahit kelan talaga to.Hinawakan ko na't lahat para timigil pero ayaw parin mag paawat. Nakakahiya na kaya. Kinurot ko siya sa braso niya kaya napaupo siya sa inuupuan niya kanina.
"ARAY! Ano ba to. Tsaka teka nga. Bakit ba parang di ka masaya? Eh diba nga ikaw na mismo ang nagsabi na kayo lang ang nandoon sa detention room. Oh eh bakit ganyan ang muka mo?"
Kwenento ko sa kanya ang nangyari kanina. Simula sa bago ako pumasok sa school hanggang sa nag-sorry sa akin si Dane.
Hindi agad nakaimik si Cara dahil maski siya ay naguguluhan din.
"Ay sayang naman. Pero bessy ah,kinilig naman daw ako dun sa sinabihan ka niya ng 'I like you'." Srsly? hindi ba mag sink in sa utak niya na joke lang yun?
"OKAY!OKAY! I get it. Joke lang yun." Napangiti nalang ako sa kanya. Cara really know me.
Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako kasi mag titime na. Hindi niya pa nga ako payangan umalis kasi nga gusto niya pang makipagkwentuhan. Hay nako si Cara.
Hindi pa ako medyo malapit sa room ay naririnig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Isa lang naman ang ibig sabihin noon. Wala pa ang teacher namin. Nang bukasan ko ang pinto ay tumahimik sila at lahat ay nakatingin sa akin.
"Kala naman namin si sir Beunavista na!" Sigaw nung maarte kong kaklase. Loka to. Kung di nalang sila nag iingay edi hindi sila parang nakakita ng multo sa tuwing may papasok.
Umupo nalang ako sa upuan ko at hinintay si sir dumating. Kung tutuusin ayaw kong pumasok sa klase ni sir. Duh.Ang boring kaya nun magturo.I mean,hindi siya madalas nagtuturo.tapos lagi pang nagtetest. buti nalang at lagi kaming nagrereview.
Nang si sir ay damating na,wala paring nagbabago. Maingay parin ang mga kakalse ko. Yung iba hawak parin ang cellphone nila at may kung anong ginagawa . Yung iba naman nag chechess. Meron din nagbabatuhan. Yung mga nasa unahan naman ay tumahimik na dahil pumasok na si sir.
"Okay,kumahanin niyo ang libro niyo at mag notes kayo" Sabi ni sir. Agad naman bumalik ang mga kaklase ko sa sarili nilang upuan. Buti naman at nakakaramdam pa ang mgakakalse ko na nanito na si sir.
Hayyyy. And our Oh-so-boring subject,started. -____-
BINABASA MO ANG
Love Letter
Teen FictionTamara Alea is just a girl na mahilig gumawa ng love letter para kay Dane. Pero hindi niya yon ibinibigay kay Dane dahil alam niyang siya lang ang masasaktan sa huli. Pero pano nalamang pag nalaman lahat ni Dane ang pagsinta ni Tamara sa kanya? Wi...