Chapter 2

12 0 0
                                    

Sobrang sakit kasi late ako. Kaya ang bagsak ko, detention room.


Nagtataka nga ako kung bakit ako lang ang nadito. Maliban nalang dun sa isang tao na nasa kabilang dulo nitong room. Gusto ko sanang kausapin kaso baka naman hindi ako pansinin. Edi ako pa ang mapapahiya? Kaya wag nalang.


Hayyys. Bakit ba kasi ako na-late? Wala talaga akong magawa kaya kinausap ko nalang yung lalaking nasa kabilang dulo.


"Hi. Ako nga pala si---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita siya.


"Tamara. You're Tamara." nalaglag ang panga ko ng humarap sa akin yung lalaki. Gosh. It's Dane.


Nakatitig lang ako sakanya kasi hindi ako makapaniwala. Kami lang ba talaga ang nandito sa detention room? Kami lang at wala nang iba? Dapat ko na bang pasalamatan yung principal namin at pinapunta ako dito? Tsaka pano niya nalaman ang pangalan ko?


"Uhm...yeah. I'm Tamara. Pano mo nalaman ang pangalan ko?" hindi ko na talaga kaya to. Nakatingin pa nga lang ako sa malayo para makita siya eh kinikilig na ako. Pano pa pala itong kami lang ang magkasama?


Imbes na sagutin niya ako ay ngumisi lang siya. Lalo tuloy akong kinilig at the same time ay na curious na din kung paano niya nalaman ang pangalan ko.


Nabalot kami ng katahimikan kaya tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa bintana. Napatingin din siya sa akin at nagtama ang mata namin kaya agd akong umiwas ng tingin. may binulong pa siya sa sarili niya pero di ko na narinig pa.


"Late ka din ba kaya ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Syempre,tutal chance ko na ito na masolo siya. Bakit hindi ko pa sulitin diba?


"Hindi." simpleng sagot niya.


"eh bakit?"


Tiningnan niya ako at nginisian ulit. Pansin ko lang na ang hilig na niyang ngumisi. Di naman ganyan yan eh.


"Nahuli kasi akong nag aano sa may locker ko." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. omygosh. Don't tell me---"Wag kang mag isip ng iba. Nakita akong nagvavandalize doon sa may Library"  agad niyang sagot.


Yan Tammy! Kung ano ano kasi ang iniisip mo kaya ayan. Jusko ka.


Nanahimik nalang ako dahil sa kahihiyan. Ramdam ko nga na nag iinit yung pisngi . Waaaaah. Not now. Nandito si Dane baka makita niya pang ang pula ko. Mas lalong nakakahiya yoon.


"Okay ka lang Tammy?"lalong nag init ang pisngi ko dahil tinatawag niya akong Tammy. Sheeems. Kinikilig ako. Mga kaclose ko lang kasi ang tumatawag sakin noon.


Dahil sa kakiligan, hindi agad ako nakasagot. Lumapit naman siya  at tinanong ulit kung okay lang ako.


Hindi parin ako sumasagot at nakatitig lang sa kaniya. Shemssss. Ang pogi talaga. Kaya patay na patay ako dito eh.

Nabigla naman ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.Juskoooo. Kukuhan niyo na ba ako kaya ganito ako ngayon? na pinagbibigayn niyo na ako kasi malapit na akong mawala? wag naman ho sana.


"Tammy are you okay? Kanina ka pang tulala."halata sa boses niya ang pag ka concern. Huminga muna ako ng malalim at sumagot. "Okay lang ako Dane."


Agad naman siyang ngumti ng hindi ko alam ang dahilan. Ano ba ito? Pwede ko na bang isipin na dahil sa akin kaya siya nakingiti?


Naramadaman ko siyang huminga ng malamim kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Putek na yan. Wag kang ganyan Dane. Lalo akong na iin love sayo eh.


"Tamara..." 

tawag sa akin ni Dane.Nag "hmmm" nalang ako.


"I like you..."


O MY GOSH. Oxygen please.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon