Chapter 3: Brother

96 7 6
                                    

Sophia's POV

Tsk. Nabalitaan kong naaksidente daw ang pabidang babae.

Ewan ko ba talaga kung bakit mahal pa ni Daniel yang Xyra na yan. Bakit hindi nalang ako? Hindi ba ako sapat? Ano bang meron kay Xyra na wala ako?

Mahal ko si Daniel simula dati pa. Lagi ko syang nakikita dati since magkalapit lang naman kami ng bahay.

Hindi ako nagpapakilala kasi siyempre nahihiya ako. Nagulat nalang ako one day napansin nya ako. Simula nun ako yung dumadamay sakanya. Pero bakit parang wala lang ako para sakanya?

"Maam Sophia ito na po yung juice nyo." Abot ng katulong namin saken.

Ininom ko yun. At tinapon yung laman.

"Masyadong matamis. Linisin mo toh. Ayoko na ng juice hindi naman kayo nagtitimpla ng maayos." Sabi ko

Mayaman na ako ngayon dahil sa tatay ko. Kaya sarap buhay nalang ako.

Naisipan kong bisitahin nalang yung kuya ko sa kulungan. Kuya ko sya sa labas pero close kami nung bata pa kami. Naghiwalay lang kami kasi sumama sya kay tatay. Nakulong kuya ko dahil tinangka nyang patayin yung kapatid ng kaagaw nya sa taong mahal nya. Hindi ko na alam yung ibang detalye about dun kasi ayaw magkuwento ni kuya. Pero Nagmahal lang naman si kuya anong masama dun?

Nagbalot ako ng maidadala ko para sakanya at umalis na.

Nung nakita ko na sya inabot ko yung binalot kong pagkain para sakanya.

"Naaksidente raw si Xyra." Sabi ko.

"Magandang balita yan ah. Natuluyan na ba?"

"Hindi raw. Nagkaproblema ata sa utak kaya nakalimot." Sabi ko.

"Matibay talaga ang pamilya nila ha."

"Kuya Larry paano ba mapapasaakin si Daniel?" Tanong ko

"Simple lang..Patayin mo si Xyra."

Unexpectedly ForgottenWhere stories live. Discover now