Xyra's POV
Marami ng araw ang lumipas simula nung nakalabas ako ng hospital. Simula nung lumabas ako madalas kong kasama si Nicko. At dahil dun konti konti akong nahuhulog sakanya.
Ngayon pupunta raw kaming park ni Nicko. May gusto raw syang ikwento sa akin tungkol sa park na yun.
Pumunta na ako sa park kahit na alam kong napaka aga ko. Umupo muna ako sa isang bench dun at hinintay si Nicko.
Tumingin ako sa paligid. Madalas ba ako dito? Bakit parang alam na alam ko ang lugar na ito?
Naglibot libot muna ako at nadala ako ng paa ko sa basketball court ng park na toh.
Walang naglalaro pero may para akong nakikitang dalawang tao na para bang galing sa past ko. Isang babae at isang lalake.
"tara bili lapit ka." May sinabing pangalan yung lalake pero hindi masyadong malinaw yung pagkakasabi.
"Try mong magshoot ng bola." Sabi nung lalake tapos inabot yung bola.
"Di ko kaya." Tanggi nung girl.
"Kaya mo yan. Bili hawakan mo uli yung bola." Pilit nung lalake. Kinuha naman nung girl yung bola.
"Ganto kasi yan kelangan mag focus ka kung saan mo ishoshoot para mashoot mo. Kung kaya mo sa volleyball kaya mo rin sa basketball." Hinawakan ng lalake yung kamay ng babae na nakahawak sa bola at nashoot iyon.
"O kita mo nashoot." Sabi nung lalake.
"Xyra alam kong matagal mo pa akong sasagutin pero sana wag na wag kang aalis sa tabi ko ha." Dagdag pa nung lalake. Pero mukhang lutang yung lalake.
"Huy sagot ka naman." Sabi nung lalake sa babae
"Promise?" Sabi nung lalake tapos nagfist bomb sila at nag pinky swear sila.
"Promise."
"Xyra?" Sabi ng boses na nagpabalik saken sa realidad.
Tumalikod ako at tinignan kung sino yun. Ito ba yung Daniel?
"Uhh?"
"Ako si Daniel." Sabi nung lalake. Ngayon ko lang ulit sya nakita eh.
"Ahh."
"Luha ba yang nasa mukha mo?" Sabi niya at lumapit saken. Tapos pinunasan nya gamit ang kamay nya ang luha ko. Umiyak pala ako?
"Umiyak ka?" Tanong nya.
"Ah hindi. Napuwing lang ako." Sabi ko.
"Ahhh ganun ba. Ano palang ginagawa mo dito?"
"I'm waiting for Nicko. Magkikita raw kami." Sagot ko sakanya.
"Ahh. Pwede bang ako muna ang kasama mo?"
"Ah oo okay lang naman." Sabi ko sakanya.
Naglakad lakad kami. Tapos biglang nagtext saken si Nicko.
From: Nicko
Sorry Xyra. Hindi kita mapupuntahan sa park ngayon. May emergency lang akong pinuntahan.
Bigla nalang ako lumungkot sa tinext ni Nicko.
"May nagtext?" Tanong ni Daniel.
"Oo. Di raw tuloy yung pagkikita namin ni Nicko." Sagot ko.
Nagkuwentuhan lang kami ni Daniel. Nilibre nya ako ng mga pagkain.
"Alam mo ba madalas nililibre kita dito sa park." Sabi nya saken.
"Eh? Talaga?"
"Oo. Minsan kasi bigla biglang tumutunog yung tiyan mo kaya nililibre kita. Takaw mo nga eh." Sabi niya saken. Napangiti nalang ako. Totoo kaya yun?
"I know Xyra. Alam kong naiilang ka saken. Pero can you please do me a favor?" Sabi niya saken
"Oo naman. Ano yun?"
"Can you please let me start again? Hayaan mo kong magsimulang makipagclose sayo. Kahit na hindi mo na ako maalala basta hayaan mo kong gumawa ng paraan para maibalik kung ano tayo dati." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung papayag ba ako.
Sasagot sana ako pero biglang lumitaw sa harap namin ang isang babae.
"Hi guys!"
"Hello sophia." -Daniel
YOU ARE READING
Unexpectedly Forgotten
RomanceUnexpectedly Inlove 3: He already knows the truth. He was about to tell her that he already knows the truth and forgive her. But an UNEXPECTED incident happened. He was FORGOTTEN by the girl he loves. He always blames himself for what happened to he...