Chapter 4: Surprise!

84 5 2
                                    

Xyra's POV

Pagkatapos ng ilang araw ay naka labas na ako ng ospital at ngayon pauwi na kami sa bahay namin.

Pagkabukas ng pinto ni kuya Hayver ay nagulat na lang ako sa grupo ng mga tao na sumigaw idagdag ko pa ang banner na "surprise Xyra" at may mga pagkain pa..

"Surprise!"

Hindi ko makilala kung sino ang mga iyon pero parang kilala ko naman tong mga toh. Sinusubukan ko silang kilalanin pero biglang sumakit yung ulo ko kaya hinawakan ko yung ulo ko. Agad namang lumapit saken si kuya Hayver at yung isang lalakeng nasa ospital din na pumasok sa room ko sa ospital pero hindi ko naman kilala.

"Xyra are you okay?" Tanong ni kuya Hayver.

"Y-yes I'm fine." Sabi ko nalang.

"Nicko ako nalang bahala sa kanya. Don't worry." Sabi ni kuya Hayver.

Tumango nalang yung Nicko at kita ko sa mukha nya ang bahid na pag aalala.

Pinaupo ako ni kuya Hayver sa couch sa living room nang may lumapit sakeng isang babae.

"Xyra.." sabi nung babae

"Uhh.. sorry. Sino ka?" Sabi ko nalang.

"Ako si Ami. Yung bestfriend mo simula nung mga highschool ka pa."

"Ahhh ganun ba." Yun na lang sinabi ko. Wala naman akong ibang masabi.

Nagkuwentuhan kami ni Ami at ambait nya. Ansarap nyang kausap. Parang matagal na talaga kaming magkasama.

Sa gitna ng pagkukuwentuhan namin ay lumapit sa amin yung Nicko.

"Ami, Xyra kain kayo dun."

"Sige lang." Sabi ni Ami.

Naweweirduhan ako kung sino si Nicko sa buhay ko at parang ang tagal ko na syang kilala. Pero feeling ko may kulang....

"Uhmm.. Ami sino ba si Nicko? Kaanu-ano ko ba yun?" Tanong ko kay Ami.

"Well if I know kaibigan mo sya. Tatlo kayong magkakaibigan nung lumipat ka ng school. Si Daniel at Nicko yung kaibigan mo nun."

"Ahh.."

Kumain na kami ni Ami. Habang magkasama kaming kumakain ni Ami biglang tumabi sa akin si Nicko.

"Ito o. Paborito mo toh." Sabi niya at naglagay ng spaghetti sa plato ko. Ang nakalagay lang naman kasi sa plato ko chicken at cake.

"Ahh salamat."

Something's on me when he is near me. I think....



I have feelings to him.

Unexpectedly ForgottenWhere stories live. Discover now