LKSK

22 0 0
                                    


Ng matapos ako maligo tumungo na ako sa aking kabinet, nag hahanap na ako ng damit na ma isosoot para sa susunod na guesting ng isang show ng marinig ko ang aking P.A na tawa ng tawa. Sa pag ka irita pinuntahan ko na sya para patigilin

"Hindi kita binabayaran para lang tunawa ng tumawa, baka pwede mo naman ako tulungan mamili ng damit". Sabi ko ng makita ko syang preteng preteng na ka upo sa sofa.

"Bossing ma upo muna kayo dito panoorin nyo to kahit isang video lang, haha! Baliw na baliw tong babaeng to sayo".

Agad nya naman sakin inabot yung cell phone, nag dadalawang isip pa ako kunin ito pero sa hule kinuha ko na lang para matahimik sya. Bago mag simula ang video may babaeng nag aayos ng camera ng masipat nya na ka focus na ito sakanya agad syang sumigaw na ikinagulat ko.

"Buntisin mo ko Henz! Hahaha!". Tawa nya at nag black ulit yung screen ng bumukas ulit ang screen sunod sunod nya nang pinapakita yung mga album at picture cards na ako lahat ang laman. "Oh? Inggit kayo no?". Tanong nya

"Hi! I'm A, welcome back sa aking video about kung 'ano ang aking gagawin pag nakita ko si Henz' well kung ikaw ay isa sa aking subscribers parang masasabi mo na nagawa ko na lahat kase kahit ako ganun din nasa isip ko haha! So tapos na tayo sa basic punta naman tayo sa kalokohan haha!". Agad ulit nag black yung screen at ng bumukas to ulit naka tayo na sya "Ano ang gagawin ko kung makikita ko si Henz, ma shashock ako na parang ganito".

Tinapat nya sa bunganga nyang na kabukas na pabilog ang kanyang palad na parang gulat na gulat. "Hahaha! Sabay tatalon ako ng gento". Tumalon sya ng mataas habang winawagayway yung banner nya ng tumalon sya ulit nag kamali na sya ng bagsak kaya sya na tapilok, tumama sya sa pinag papatungan ng camera nya kaya dalawa silang bumagsak. "Shit, yung phone ko". Sabi nya agad agad na kinuha yung cellphone nya. At first I found it irritating bakit mo iisipin ang isang bagay kung ikaw mismo nasaktan, but at the sametime I laugh. That was stupid and really cute.

Pinanood ko lahat ng kanyang video mula sa umpisa, at hule na ng makita ko sa aking orasan na tapos na ang show na dadaluhan ko. Fuck because of this girl i forgot everything!

"Bombie, hanapin mo yang babaeng yan at alamin mo ang lahat tungkol sakanya. Pag hindi ka na ka balik ng tatlong oras sisisantihin kita".

"Yes Boss!". Ngiting ngiti nyang sabi na parang ng aasar.

Lodi ko si KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon